PINASOK na rin ni Maine Mendoza ang maging singer.
May first single na siya, titled “Parang Kailan Lang.” Parang kailan lang ay pa-dubsmash-dubsmash lang ang Kapuso actress na naging phenomenal star.
Ayon kay Maine, after niyang mag-dubsmash, minsan ay nabo-bore na rin naman daw siya.
Ginagawa niya for curiousity ay pakanta-kanta, hindi raw niya akalaing magiging singer pala siya sa darating na panahon.
Dagdag pa ni Maine, kinakabahan daw siya sa bagong field na kanyang pinasok.
Hindi raw niya alam kung magugustuhan ng fans niya ang pagiging singer.
KYLINE ALCANTARA MAS MAHUSAY UMARTE KAYSA KAY BARBIE FORTEZA
ASIDE from Barbie Forteza marami ang nagsasabing mga nasa bakuran ng GMA-7 na favorite rin daw ng network si Kyline Alcantara.
Katunayan, may movie na gagawin si Kyline kasama sina Miguel Tanfelix, Glaiza de Castro at Epi Quizon.
Ang sabi ng ibang fans, sobrang build up daw ng Kapuso network kay Kyline.
‘Di naman masisisi ang GMA-7 dahil malakas din ang hatak ni Kyline sa audience, besides, may fanbase na siya. Katunayan. mas okay naman daw ‘di hamak ang talented singer-actress kesa kay Barbie.
Sa larawang pinost ng GMA-7 may napuna ang netizens sa photo nina Kyline at Glaiza.
“Mukhang matanda raw si Kyline kesa kay Glaiza.”
BELA PADILLA PANAY RAMPA SA SOKOR KAHIT MAY COVID-19
KASALUKUYANG nasa South Korea ang actress na si Bela Padilla dahil nagsu-shoot siya ng pelikulang “Ultimate Oppa.”
Sa freetime ng Kapamilya actress ay naisingit niya ang pagse-selfie tulad na nakasuot lang siya na black bodysuit at naka-boots.
Nasa lugar siya ng puro yelo dahil winter time sa SK pero kesehoda sa kanya ang atmosphere sa kapaligiran.
Ang daming mga kaibigan niyang celebrities ang pinuri, pero may paalala ang mga ito na malamig daw.
Aniya ay sakto lang at keri naman daw niya ang kalamigan.
Biniro siya ng friend niyang si Danni Barretto, “oyyy.. sanay na siya sa lamig.”
Ani Bela: “Bela, I’m a changed woman… hahaha.”
Ang the height ay ang paglilibot-libot ni Bela sa SK na walang mask. Ibinahagi niya ang kanyang larawan with many people around her.
Nilagyan niya ng caption: “Korea heals quickly… I’d love to visit and spend more time walking your beautiful streets (with heart emoji) you’re now on my list of homes away from home.”
Marami na ang apektado ng COVID-19 sa South Korea na nagmula sa China. Kasing dami na raw ng China ang infected ng virus ng COVID-19 ang SoKor.
Napuna ng netizen na walang suot na mask si Bela kaya pinaalalahanan niya ito.
“Be responsible, wear mask. Ang mga tao sa paligid mo ay naka-mask.”
Sagot ni Bela, “kumakain po ako eh. Mahirap kumain ng naka-mask. I did wear one after finishing my ice cream though. Also, I wasn’t sick when this photo was taken.”
Mahirap nga namang kumakain ng ice cream na nakatakip ang bibig.
Comments are closed.