ISA si Maja Salvador sa mga pinagpipilian para gumanap na Darna base ito sa kanyang karisma at kakaibang pag-arte. Kasama sa pinagpipilian sina Nadine Lustre at Pia Wurtzbach. Kung pag-uusapan naman ang action routine ay pasadong-pasado ito dahil sa husay nito sa pagsayaw.
Ang tsika, gustuhin man nitong maging Darna ay hindi nito agad-agarang masasabi na ayaw niyang gampanan ito dahil para sa kanya ay sobra siyang pressure kung tatanggapin niya ito.
Inamin nito na na-shock siya nang malamang maraming may gusto sa kanya na maging Darna pero sobra naman niya itong ikinasaya dahil marami ang naniwala na perfect siya sa role. But in fairness, mas pinli nito ang tumahimik sa isyu bilang respeto na rin sa desisyon ni Liza na iwanan ito.
Sa ngayon, nagdadalawang-isip si Maja kung sakaling ialok sa kanya ang Darna, tatanggapin ba niya ito o hindi dahil sa pressure na posible nitong madaanan. “Ang pressure kasi, ang laking pressure lalo na from Angel Locsin, na-announce na nila si Liza. Nakakatuwa lang na marami ang may gusto, pero di ko kayang sagutin kung tatanggapin ko kasi ang hirap magsalita. Nandu’n ako sa ang hirap sundan,” pahayag nito.
INA RAYMUNDO MAY ANAK NA PASADONG MAG-DARNA
IKATUTUWA ni Lea Salonga kung ang anak ni Ms Sabado Girl Ina Raymundo ang mapipiling gaganap na Darna. Siya si Erika Ray na 17 taong gulang at may taas na 5’5″ at higit sa lahat ay gustong sundan ang yapak ng kanyang ina. Morena siya at ngayon pa lang sasabak sa pag-aartista na meron siyang qualifications na hanap ng ating Broadway actress dahil ayon sa kanya, ang istorya ni Darna ang ibinebenta at hindi kung sinong sikat na aktres na gaganap.
Hindi lang pala kami ang nagkamali dahil sa unang kita namin sa lirato ni Erika Ray na naka-post sa PEP.ph ay siya si Ina at ang nakitang picture ay throwback ng sexy actress pero ‘yun na pala ang kanyang eldest daugther named Erika Rae Poturnak.
Ayon kay Ina, may hilig kumanta ang kanyang anak kaya alam na nitong showbiz ang lalandasin ng anak. “May pangarap nga ako na nakini-kinita ko na when she’s at the right age, parang yung ‘Sabado Nights’ commercial ko, it’s so nice to pass it on to her.
Na parang nasa bar kami ‘tapos siya yung papasok, ‘tapos magmi-meet kami as mom and daughter, may date kami. Ayaw kong mag-preempt, pero I’m such a daydreamer. So, that’s one of my daydreams na sa kanya malilipat yung title.”
Pangarap din pala ni Ina na maging Ms Universe ang kanyang anak pero wala umanong interes ang kanyang anak sa beauty pageant.
Comments are closed.