MALLS SA METRO IPINASASARA

MALL-2

PANSAMANTALANG  ipinasasara ng Metro Manila mayors  ang lahat ng shopping malls bilang pag-iingat pa rin upang hindi maikalat ang coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang Metro Manila mayors ay nagpalabas ng isang resolution  at hinihiling sa lahat ng local government units (LGUs) na magpalabas ng isang ordinansa ng pansamantalang pagpapasara ng shopping malls at iba pang esta­b­lisimiyento.

“Sa ganitong panahon sino pa ba ang magsa-shoping ng bagong damit, bagong sapatos? Hindi ‘yan kailangan, hindi ‘yan priority,” ayon kay  MMDA General Manager Jojo Garcia.

Sinabi naman ni Garcia na hindi kasama sa temporary closure ang mga establisimyentong kagaya ng groceries, mga bangko at parmasya.

Sa pahayag naman ni Trade Secretary Ramon Lopez, ang naturang suhestiyon ay napag-usapan na rin Inter-Agency Task Force.

“So upon assessment, it will be safer to close them except for basic stores,” pahayag ni Lopez. MARIVIC  FERNANDEZ

MGA MAY-ARI NG SHOPPING MALLS HANDANG MAGSARA

NAGPAHAYAG na ng kahandaan ang mga shopping mall owners sa Metro Manila na magsara sa panahong umiiral ang government-imposed community quarantine ayon sa  Department of Trade and Industry (DTI) kahapon.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez ito ay matapos na ikonsiderra ng binuong  interagency task force na tumututok sa pagsupil sa pagkalat ng  COVID-19 na ang mga shopping mall bilang places of convergence o mga  lugar ng “mass gathering,” na ipinagbabawal sa panahong umiiral ang  quarantine period sa Kalakhang Maynila simula ngayong  Marso 15 hanggang  April 14.

Base sa inilabas na  quarantine guidelines ng  Malacañang nitong Sabado, ang mga pagtitipon ng maraming tao o  mass gatherings gaya ng pa­nonood ng sine, concerts, sporting events, entertainment activities, community assemblies at  non-essential work-related gatherings ay ipinagbabawal.

“I have talked to the SMEs (small and medium enterprises) and tenants and mall owners. Ok to sacrifice. Also they can reduce opex (operating expenses) and cut rentals,” pahayag pa ng DTI.

Subalit ang mga establisimiyento  sa loob ng mga mall na nagbebent ng mga basic commodities / groceries at iba pang food items at home essentials ay mananatiling bukas.

Ang  supermarkets, hardwares, drugstores, health clinics, banks, at iba pang  basic service providers na nasa loob ng mga malls ay mananati­ling bukas.        VERLIN RUIZ