MARAMING OPORTUNIDAD ANG NAGBUKAS DAHIL SA TESDA QUALIFICATIONS

MARAMING oportunidad at pag-asa ang nagbukas sa kanya mula nang mag-aral siya ng technical voca-tional (tech-voc) courses ng Technical Educa-tion and Skills Development Authority (TESDA).

Masayang paglalahad ito ni Jason M. Equipado, 30, taga-Butuan City, TESDA Idols 2018 ng CARAGA, na may qualification na Food and Beverage Ser-vices at naging nominado sa nationwide search ng 2018 TESDA Idols ng ahensiya.

Jason Equipado

Si Jason ang Dean of the College of Hotel and Restaurant Management sa Agusan del Sur College, Inc. (ADSCI) simula pa noong 2016.

Siya ay galing sa isang simpleng pamilya. Ang kanyang ama ay isang mi­yembro ng Philippine Army (yumao na) habang ang kanyang ina ay isang govern-ment employee at isang kapatid na 4th year col-lege na sa kasalukuyan.

Nakilala niya ang TESDA nang maging scholar siya sa ladderized education program na ipinatupad ni dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo sa pama-magitan ng ipinalabas nitong Executive Order 358.

Nang mag-college, si Jason ay nag-enroll sa Father Saturnino Urios University noong 2007 at kumuha ng kursong Business of Science in Hotel and Restaurant Management (BSHRM) at nagtapos noong 2011.

“2011 po ako nag-graduate ng BSHRM.   Ladderized education ­program ito na may exit point every year,” paglalahad ni Jason.

Sa first year niya sa ladderized, ang tech-voc course niya ay Food and Beverage Services (FBS) at pagkatapos ng school year ay kumuha siya ng assessment at nakapasa siya.

Aktibo siya sa paglahok sa mga extracurricular activity noong college. Katunayan siya ay naging presi-dente ng Hotel and Restaurant Management Student Or-ganization at departmental governor ng Business Administration Program na malaking tulong sa pagpapalago ng kanyang mga kaalaman.

Pagka-graduate, nagbukas siya ng cafeteria sa loob ng airport sa kanilang lugar kung saan ginamit n’ya ang kanyang tinapos na kurso.

Nag-aral din siya ng Trainer’s Methodology NC ll at nakapasa.  Pagkalipas ng isang taon, nag-aplay siya bilang HRM instructor sa Agusan del Sur College. At dahil sa kanyang FBS NC ll, madali siyang naka-pasok.

Sa kabila ng may maganda na siyang trabaho, patuloy pa rin sa pag-aaral si Jason ng iba pang mga tech-voc courses ng TESDA at kasalukuyan, holder na siya ng 10 qualifications gaya ng Food and Beverage Services, Events Management Services, Cookery, Housekeeping at marami pang iba.

Para kay Jason, dahil sa paglahok n’ya sa iba’t ibang TESDA programs ay lalo umano siyang naging com-petitive at productive.

Siya ay naging recipient ng Tagsanay Award, Provincial Level. Ito ang kanyang kauna-unahang award.

“Maraming nabago sa buhay ko mula nang nag-TESDA ako. Bumukas ang lahat ng oportunidad at pag-asa. Nakapagtapos ako ng pag-aaral ng Masters in Business Administrations (MBA) major in Hotel and Restaurant Management. Nakakabili ako ng gamot na pang-maintenance ng mama ko, at natutulungan ko ang kapatid ko sa pag-aaral niya,” pahayag ni Jason.

Maliban dito, naiimbitahan siya na mag-train ng mga waiter sa mga bagong bukas na restaurants at nagbibigay din ng training sa mga barangay.

Sa kasalukuyan, si Jason ay trainer, coach at assessor.

Ang payo nito sa mga taong gustong marating ang kanyang narating, “maging malikhain, dapat pursigi-do sila sa buhay, gawing ­inspirasyon ang pamilya para abutin ang mga ­pangarap. Magtiwala sa sarili na kaya ang lahat ng bagay at magdasal sa Panginoon”.

Kasama sa kanyang mga future plans ay makapagpatayo ng restaurant o coffee shop at cake shop, mag-tour around the world, at magkaroon ng sariling sasa-kyan at bahay.

Payo sa mga kabataan na, “Huwag mahiya kumuha ng tech-voc. Ito ay makaka­tulong para ma-improve ang sarili mo at para ikaw ay maging globally competi-tive. Kung hindi man kayo makakatapos ng pag-aaral, kung may NC tayo, madali tayong makahanap ng trabaho dito man sa Filipinas o sa abroad.”

“Taking tech-voc courses was life-changing for me. Magbabago talaga ang buhay mo kung pursigido ka at may pangarap,” pagwawakas ni Jason.

Comments are closed.