KAPUSO Prime Queen Marian Rivera, sumabak na sa malakihang negosyo via Flora Vida Homes. Isang big business ng actress na sinimulan na niya three years ago. Furniture business na siya mismo ang nag de-design. May items ding throw pillow, lamps and nursery needs.
Ngayon lang nai-launch ang furniture business dahil napagtuunan niya nang husto ng pansin dahil libre siya sa taping ngayong pandemic. Hindi muna niya tumanggap ng soap. Bida sana siya sa First Yaya. Dahilan ni Marian, hindi siya puwede sa lock-in taping. Hands on siya sa dalawang batang anak, Zia 5 years old at si Sixto ay one year old. Kasalukuyan pa siyang nag be-breastfeed kay Sixto.
Sa furniture business, siya mismo ang pumili ng fabrics na gagamitin. Lahat floral dahil personal touch niya ang flower.
Order ang mamahalin at matitibay na fabric mula sa mga European countries.
Naayos na ito ni Marian bago pa man mag-pandemic.
Ang mga kahoy at ukit ng furniture ay mula sa mga expert ng Paete, Laguna. May contract workers siyang gumagawa nito roon. Kaya made in Philippines ang product niya.
Ani Marian: “Sa delivery, walang problema dahil sa Dingdong.Ph., isang courier business ng husband kong si Dingdong (Dantes).”
Metro Manila muna orders na tinatanggap sa ngayon ni Marian. Pag okay na lahat, puwede na buong Filipinas. Mismo si Dingdong made-deliver sa mga unang costumers ni Marian.
FILL IN THE BANK AT BAWAL NA GAME SHOW
Ang Fill in the Bank at Bawal na Game Show, nangungunang programa ng TV5dahil sa malalaking premyo ng Archangel Prod sa initiative ni Chief Finance Officer Mr. Jojo Oconer!
Nanguna sa TV5 programming ang kanilang dalawang game shows: Fill in the Bank (hosted by Jose Manalo at Pokwang) at Bawal na Game Show (hosted by Paulo Ballesteros and Wally Bayola) under the production of Archangel of APT Entertainment.
Ginawa ang Fill in the Bank at Bawal na Game Show pagkatapos ng ECQ. Pinayagan ng IATF ang mga Network na muling mag-taping under strick guidance galing sa DOH health protocols.
Nag-taping ang dalawang game shows na kinailangang dumaan sa swabbing ang mga host at guest players.
Sapul nagsimula ang dalawang programa three months ago, gumawa ng ingay ang mga shows sa TV 5 viewership dahil nae-entertain na ang mga manonood, naeengganyo silang mag-participate dahil sa malalaking papremyo ng shows na ibinibigay agad ng programa under the Chief Finance Officer Mr. Jojo Oconer ng Archangel.
Laging umuuwi ng maligaya at masaya ang mga celebrity guest na may uwing papremyo, nanalo man o talunan. Ang viewers din ay tumatanggap ng papremyo agad dahil ibinibigay agad ito sa kanila thru proper channeling.
Kaya naman ang shows ay nangunguna rin sa rating games ng mga programa ng TV 5.
Comments are closed.