MARIAN RIVERA ‘DI PA NAPAPA­NAHON ANG PELIKULA SA ABS-CBN

MALAKING katanu­ngan hanggang ngayon kung matutuloy pa ba ang napabalitangstar mirror paggawa ng pelikula ni Marian Rivera sa Star Cinema na ang makakapareha nito ay alinman kina Piolo Pascual o John Lloyd Cruz. Kung sakali, kikita rin kaya ito tulad ng paghataw ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Goodbye na humakot ng P800 mil­yones ang kita, here and abroad?

Naunang lumabas ang balitang ito habang pinaplano pa ang nasabing pelikula nina Kath at Alden, pero dahil ipinagbuntis ni Marian noon si Baby Ziggy ay hindi ito natuloy.

Wala namang panghihinayang sa parte ni Marian kung ‘di natuloy ang kanyang napabalitang paggawa ng movie sa Star Cinema dahil nagka-roon naman daw siya ng napakakyut na Baby Ziggy.

Aniya, mas mala­king blessing ang pagkakaroon ng anak lalo pa kung katulad ni Baby Ziggy na araw-araw ay nagbibigay sa kanya ng kaligayahan. Naniniwala naman siya na darating din naman ang araw na nakalaan para sa kanyang paggawa ng movie sa Star Cinema. ‘Ika nga, kung talagang it’s meant for her to do a movie with the said outfit, walang magi­ging problema dahil ‘yung ang nakaplano sa kanyang kapalaran.

Kumusta na kaya ‘yung balitang siya sana ang magiging leading lady ni Dingdong Dantes sa Descendants of the Sun, kaya lang biglang naglaho ang planong pagtatambal nila dahil malalaki na ang kanilang mga anak na sina Zia at Ziggy na kailangang pagtuunan ng pansin at bigyan ng sapat na atensyon ng kanilang mga magulang lalo na ni Mommy Marian.

Siya pala ang tagahatid at tagasundo ng kanyang anak na si Zia sa school dahil pumapasok na ito at si Ziggy naman ay hindi nito kayang bitbitin sa location sa Nueva Ecija dahil malayo ang lugar. Well, mas kaila­ngan nga ng mga anak ang atensyon ng kanilang magulang lalo pa’t lumalaki na ang mga ito.

Hindi man nakagawa ng pelikula si Marian sa Star Cinema ay balitang babalik na siya ngayon sa Sunday Pinasaya at nasa ikalawang taon na ang kanyang Tadhana na mas pinaganda lalo  ang production value ng nasabing lingguhang palabas.

 ANGEL AT JESSY INISNAB ANG ABS-CBN  BALL 2019

 MABUTI naman at natapos ang ABS-CBN Ball 2019 na walang naging intriga sa Angel at jessypagitan nina Angel Locsin sa magsyotang Jessy Mendiola at Luis Manzano dahil sa hindi nila pagdalo sa nabanggit na yearly celebrity event ng Dos.

Sa parte ni Jessy at Luis ay natapat daw ito sa birthday ni Edu Manzano kaya kaysa sa celebrity ball sila pumunta noong September 14 ay mas priority nila ang birthday ni Edu dahil taon-taon naman ay may ball ang ABS-CBN, samantalang ang kay Edu ay naging especial ang selebrayson niya sa taong ito kaya may handaang naganap.

Sa parte naman ni Angel ay mas ginusto nitong idirekta ang kanyang donation mismo sa beneficiary ng event at ito ay sa Bantay-Bata.

Ayon kay Angel, malaki rin naman ang nagagastos niya rito dahil hindi naman ito libre. Tulad noong nakaraang taon ay nagkahalaga ng one hundred thousand pesos ang nagastos nito sa isang gown lamang. Hindi pa kasali dito ang bayad sa make-up, sa renta ng kuwarto sa hotel at iba pang gastusin, kaya kaysa dumalo na dati naman niya ginagawa ay ibinigay nito diretso sa foundation ang kanyang donation.

Kaya lang may mga makukulit na talaga na mas gustong makita ang aktres na rumarampa dahil malaki siyang bituin. Mas kaila­ngan na makita siya sa nasabing selebrasyon o baka naman daw, walang magkasyang gown sa kanya.

Gosh! How can people be cruel at times!

Comments are closed.