MARK HERRAS HURTING PA RIN

MARK HERRAS

MATAPOS na ibunyag ni Reina HispanoAmericana Winwyn Marquez na hiwalay nawallface sila ng boypren for three years na si Mark Herras ay ang actor naman ang nagbigay ng kanyang saloobin hinggil sa tsikang ito.

Kinumpirma na nga ni Mark na hiwalay na talaga sila ni Winwyn at hanggang ngayon ay andun pa rin daw sa kanyang puso ang hapdi na dulot ng kanilang paghihiwalay. Hindi raw ganun lang kadali para kay Mark na kalimutan ang tatlong taong masaya nilang pagsasama bilang magsyota. Pero kailangan din niyang magmove-on and timing naman na dumating sa kanya ang offer na ma­ging parte ng teleseryeng “Bihag” na pagbibidahan nila nina Max Collins, Sophie Alberts at Jason Abalos.

Dito na muna raw binubuhos ni Mark ang kanyang emosyon na sakto naman na mabibigat ang mga eksena, mapadrama man o mapa-aksyon. No time for girls na muna ang drama ni Mark. Hindi rin lang iilang beses na naghiwalay sila ng landas ni Winwyn pero nagkakabalikan din naman sila.

By this time, wala na kayang balikan na puwedeng maganap sa dalawa. Ayon kay Mark, hindi naman daw nila sinasarado ang pintuan sa usaping balikan, puwede raw mangyari ito sa future at  walang makapagsasabi kung kailan o wala na ngang balikan pa. Naging maayos kasi ang usapan nilang dalawa ng ex-gf nang kapwa mapagpasyahan nilang dalawa to call it quits.

Ayon pa rin kay Mark, hindi natapos ang kanilang pag-uusap na hindi nila sinasabi ang kanilang hinanakit sa bawat isa. Ibinuhos na nilang lahat para wala nangbigat na dadalhin pa.

MAX COLLINS GUSTO NANG MAGKA-BABY

BIGLANG nagbago ang ihip ng hangin sa Kapuso actress na si Max Collins. Kung MAX COLLINSdati-rati ay feel na muna niyang i-enjoy ang mga sandaling kasama ng mister na si Pancho Magno at saka na lang bumuo ng pamilya, ngayon ay tila gusto na ni Max na magkaroon na sila ng baby.

Say ng actress, malaki ang nagawa ng kanyang role sa “Bihag” para magbago ang kanyang pasya. Sa “Bihag” kasi ay manganganak siya at magkakaroon ng mga anak na aarugain at mamahalin. Sa kanyang role ay marami raw natutunan si Max kung paano mag-alaga at palakihin ng mabuti ang isang anak. Damang-dama raw ni Max ang motherhood stage. Kung kaya say ni Max na redi na siyang maging isang ina sa tunay na buhay. Naihanda raw kasi ng kanyang role si Max para maging isang ina.

Dagdag pa nga ng actress, sa pagbabakasyon nilang mag-asawa pagkatapos ng “Bihag” ay pag-uusapan na nila ang pagbubuo ng pamilya. Taliwas na yata ito sa naunang planong gusto ni Max na sila lang muna ng kanyang mister. Ngayon taon ay iseselebra nila ni Pancho ang ikalawang taon ng kanilang pagpapakasal. At perfect timing na rin para sa dalawa na magkaroon na rin naman ng baby.

Comments are closed.