KAHIT one week nagkaroon ng flu si Mark Herras, hindi siya nag-absent sa taping ng kanilang daily afternoon prime drama na “Bihag”, dahil naka-focus kasi ang story ngayon sa kanila ni Max Collins na tinutulungan niyang ma-solve ang kaso nito na siya ang pinagbintangang pumatay sa kanyang mother-in-law, si Emilou, played by Glenda Garcia.
“Worst, ang nagdiin pa kay Jessie (Max) ay ang asawa nitong si Brylle (Jason Abalos) dahil siya lamang ang nasa crime scene,” kuwento pa ni Mark. “Ang masasabi ko lamang, pawang mga mahuhusay ang mga co-stars ko sa “Bihag” kaya ang sarap makatrabaho sila.
Si Sophie Albert, ang husay na kontrabida, iyong ang amo ng face niya, pero kaya pala niyang pumatay ng tao, very challenging ang role niya. Si Max naman ay lalaban na para sa kanyang sarili at sa nawawala nilang anak ni Brylle, si Ethan. Marami pa po kaming magagandang eksenang gagawin, at kaabang-abang talaga ang mga eksenang iyon.”
Since magbubukas muli ang original reality artista search ng GMA Network, ang “StarStruck” batch 7, na si Mark, with Jennylyn Mercado ang unang Ultimate Male & Female winners, 16 years ago in 2003, natanong namin si Mark kung ano ang advice na maibibigay niya sa mga sumali sa audition at napiling contestants?
“Good luck sa kanilang lahat. Huwag nilang sayangin ang pagkakataong ibinigay sa kanila ng GMA. Maraming kabataang gustong makapasok sa “StarStruck” kaya huwag nilang sayangin ang opportunity na sila ang manalo sa katapusan ng contest. Dapat isipin nilang mabuti ang kanilang pinasok, mahirap, pero worth naman kung mananalo ka. Kahit kami, nahirapan kami noon. Galing kami talaga sa ibaba. Pasalamat nga sila may social media na ngayon, kami noon, kanya-kanya kami talagang sikap.
“Kung manalo sila, pag-ingatan at mahalin nila ang pagkakataong ibinigay sa kanila. Maraming gustong mag-artista, kaya kung manalo kayo, huwag ninyo itong sayangin, sa halip pagyamanin.”
Ang “Bihag” ay napapanood daily, pagkatapos ng “Dragon Lady,” sa GMA 7.
BAGONG KAPUSO STARS TAMPOK SA PUBLIC AFFAIRS SHOW NG GMA
MEET the new two Kapuso stars, sina Angel Guardian at Kelvin Miranda na tampok sa second episode ng “One Hugot Away,” a love story made for digital format.
Nagsimula Monday, June 3 na mapanood ang “Beauty and the Hypebeast” tungkol kina Cat at Joe, parehong senior high students pero magkaiba ang social status nila. Mayaman si Cat kaya ang barkada niya nilu-look down ang hypebeast (millennial term for jologs), dahil poor si Joe. Ang totoo close sina Cat at Joe at nahuli nga sila minsan ng mga friends nila habang nagpaplano silang mag-date.
Simula noong Monday, June 3, napapanood mula sa GMA Public Affairs, ang digital short film sa commercial gaps ng “Kapuso Movie Festival,” “Kara Mia” at sa latest K-drama na “Are You Human?” Monday to Thursday. Ang finale airing nito ay sa June 6, sa commercial gap ng “Are You Human?”
Sa online, ang first part ng short film ay napanood last June 3, 7pm with the full version to follow on Friday, June 7, at 5pm, sa GMA 7. Sa direksyon ito ni Zig Dulay.