MAROONS LUMAPIT SA FINAL 4

fighting maroons

Mga laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

12 noon – FEU vs NU (Men)

4 p.m. – DLSU vs Ateneo (Men)

LUMAPIT ang University of the Philippines sa Final Four,  habang nalusutan ng  Adamson ang mabagal na simula upang makadikit sa twice-to-beat semifinals bonus sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Araneta Coliseum.

Sinamantala ang pagkawala ni rookie sensation CJ Cansino, sinibak ng  Fighting Maroons ang University of Santo Tomas sa Final Four race sa pamamagitan ng 83-69 panalo.

Humabol ang Falcons sa 17-point deficit upang pataubin ang kulelat na University of the East, 85-72.

Determinadong makuha ang kanilang kauna-unahang semis appearance magmula noong 1997, sinipa ng UP ang walang larong Far Eastern University sa ika-4 na puwesto sa 7-6.

Naiposte ng Adamson ang ika-10 panalo sa 13 asignatura, isa’t kalaha­ting laro ang angat sa La Salle (8-4), na makakasagupa ang mahigpit na katunggaling Ateneo ngayong alas-4 ng hapon sa Big Dome.

Ang pagkatalo ng Green Archers sa defending champions ay magbibigay sa Falcons, gayundin sa Blue Eagles, ng twice-to-beat semis bonus.

Iskor:

Unang laro:

AdU (85) – Ahanmisi 23, Manganti 19, Lastimosa 10, Sarr 9, Camacho 7, Catapusan 6, Pingoy 5, Espeleta 4, Zaldivar 2.

UE (72) – Pasaol 24, Manalang 19, Cullar 12, Bartolome 8, Gallardo 5, Varilla 4.       QS: 21-24, 40-40, 65-59, 85-72

Ikalawang laro:

UP (83) – Akhuetie 25, Desiderio 19, Ju. Gomez de Liaño 11, Jaboneta 9, Murell 6, Manzo 5, Prado 3, Vito 3, Ja. Gomez de Liaño 2.

UST (69) – Lee 26, Subido 22, Bataller 7, Mahinay 4, Marcos 3, Huang 2, Cansino 2, Caunan 2, Zamora 1.

QS: 19-22, 42-38, 63-54, 83-69

Comments are closed.