MARTHENA JICKAIN, PINILI SI AIKO MELENDEZ OVER STUDYING ABROAD

Limang iskwelahan ang tumanggap Kay Marthena Jickain — dalawa sa England at tatlo sa USA — pero pinili mag-enroll na lamang ng Developmental Studies sa Ateneo de Manila University dahil nag-aalala siya sa kanyang inang si Aiko Melendez.

Kahit daw 18 years old na siya, tinatrato pa rin siya nitong parang baby.

Tumira na rin naman umano sandali si Marthena sa United States at naranasan niya ang buhay-abroad nang tumira siya sandali sa kanyang tita na kapatid ni Aiko. Nag-alaga raw siya ng mga younger cousins.

Ani Marthens, “Yung independence, iba yung level of independence dun—from your own chores down to the smallest things, you have to do it by yourself.

“Here kasi in the Philippines, we have helpers, kasambay, who would help us along whatever we do in the house. As a baby girl, lahat ng kailangan ko andon kayo. Doon sa U.S., wala talaga. You have to be very independent.”

Aiko Melendez, Marthena Jickain, Jay Khonghun, Andre Yllana

Liban kay Marthena, may Isa pang anak si Aiko — si Andre Yllana, 25, na anak niya sa unang asawang si Jomari Yllana.