AKLAN – ASAHAN na uunland ang ekonomiya ng sikat na beach resort na Boracay, na isa sa most popular tourist destination dahil sa white sandy beaches at beach lifestyle.
Matapos ang pagsasara noong isang taon, naayos na at tuluyan nang nalinis ang karagatan na kung saan marami naman ang natuwa at nakinabang, kasabay nito ang pagpasok ng mga negosyo sa loob ng isla sa tatlong mga barangay sa Balabag, Manoc-Manoc at Yapak.
Sa pagbabagong ito, nakikita na ni Aklan 2nd District Congressman-elect Teodorico “Nonong” Haresco Jr., ang mga plano para sa urbanisasyon ng isla ng Boracay. Mula pagkabata ay nakitaan na si Haresco ng sikap para umasenso.
Ibabahagi ni Haresco ang kanyang eksperyensiya pagdating sa entrepreneur na kung saan ay tutulungan niya ang mga Aklanon na magtayo ng maliliit na negosyo na una na niyang nagawa noong kabataan niya sa pamamagitan ng pagbebenta ng hipon sa Aklan at ibinebenta pagluwas sa Maynila.
Itutulak din niya na magkaroon ng trabaho ang mga Aklanon para maging bahagi sila ng pag-unlad ng Aklan at makatulong sa development ng socio-economic sector, na isa sa hinahangad ni Haresco.
Sa pag-upo ngayon sa Kongreso, pagtutuunan ng pansin ni Cong. Haresco ang 4-point program for Aklan: Kalusugan, Edukasyon, Trabaho at Imprastraktura para masilbihan ang mga kapwa Aklanon. VICK TANES
Comments are closed.