STAR-STUDDED, as usual, ang ginanap na 33rd Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club. Dumating karamihan sa mga winner at special awardees.
At gaya ng naisulat namin, hindi nga nakarating ang Queen of All Media at webstar na ngayong si Kris Aquino. Nasa Singapore raw si Kris for another medical treatment/check-up.
On her behalf, pinapunta ni Kris ang kanyang dalawang anak na sina Joshua and Bimby para personal na tanggapin ang kanyang Ading Fernando Lifetime Achievement award.
Kuhang-kuha sa mga video sa social media ang pag-akyat sa stage ni Joshua habang tina-tuck in ang kanyang white short inside his black blazer.
Habang nasa stage rin kami nu’ng magtama ang mata namin sa isa sa pinakamagandang nasa kalagitnaan ng audience that night. Walang iba kundi si Bea Alonzo na nagkataong birthday rin pala niya last Sunday.
Through hand signs, nag-hello sa amin si Bea na kahit malayo sa amin ay aninag namin ang napakaganda at maliit niyang mukha. At nag-okey sign siya sa maniningning na suot namin that night.
Feeling namin kasabay niyang dumating ang kaibigang si Angel Locsin at fiance nito na si Neil Arce. Towards the middle of the program, nawala na si Bea. Hindi na niya nahintay na tawagin at mapanood si Angel at isa pa nilang kaibigan na si Dimples Romana nu’ng tawagin sila as winners.
Si Angel ang nanalo bilang Best Drama Actress for her sterling performance sa “The General’s Daughter” at win naman ang top-rating serye ni Dimples na “Kadenang Ginto” as Best Daytime Drama Series.
Lastly, nagpadala naman ng representative ang Asia’s King of Talk na si Boy Abunda just in case manalo siya. May nagsabi sa amin na nasa Cebu raw si Kuya Boy last Sunday.
Win ang dalawang shows ni Kuya Boy sa Dos, ang “The Bottomline with Boy Abunda” as Best Public Affairs Show at Best Celebrity Talk Show naman ang “Tonight with Boy Abunda.”
Nanalo rin si Kuya Boy as best hosts sa dalawang Kapamilya shows niya.
Anyway, natuwa naman ang ilang PMPC members sa gesture ni Angel na isa-isang bineso sa backstage bago siya gawaran ng special award as one of the Teleserye Queens at the Turn of the New Millennium.
And when she won the Best Drama Actress, saglit namin siyang nakatsikahan.
“Sa totoo lang, gusto kong magpasalamat. Pero alam kong pagod na kayong lahat. Pero, grabe. Alam mo ‘yung kapag nasa stage ka na, nakakalimutan mo na ‘yun mga gusto mong pasalamatan sa dami.
Pero maraming-maraming salamat sa inyo, sa Star Awards. Maraming salamat sa patuloy na paniniwala ninyo sa akin. Thank you. Thank you. Thank you,” paulit-ulit na pasasalamat ni Angel.
Then, we asked her kung ano ang gagawin niya for the rest of the year.
“Mag-aayos po ng kasal. Sinusundo na po ako ngayon. Hahaha!”
Sabay lapit ni Neil at kinuha na ang kamay ni Angel palabas ng Henry Irwin Lee Theater, Ateneo University.
Comments are closed.