MAX COLLINS AYAW MANGANAK SA OSPITAL, PINAG-AARALAN ANG WATER BIRTHING SA BAHAY

HOME delivery na lang sa ngayon ang nasa sa isipan ng buntis na si Max Collins at ng asawang si Pancho Magno. Sa buwan pa ng Hulyo wallfacenakatakdang isilang ni Max ang kanilang kauna-unahang baby at isang lalake ito.

Kamakailan ay ini-extend ng Pangulong Duterte ang lockdown period sa bansa dahil sa banta ng COVID 19 ay matamang kinukunsidera ni Max ang isang alternatibo ng panganganak, ang home or water birthing. Sa patuloy kasi ng pagtaas ng bilang ng mga taong nahawaan at naging positibo sa coronavirus disease ay nangangamba si Max na may malaking chance na baka mahawaan siya at ang kanyang sanggol, sa rami ng mga pasyente sa ospital sa pagdaan ng mga araw.

At bilang paghahanda sa binabalak na home birthing ay kumuha na raw ng kurso ang aktres sa water birthing. Bukod sa pag-aaral, ang isa pang pag-aalaga para sa kalusugan ng kanyang anak na nasa sinapupunan niya ay ang patuloy pa rin naman niyang pagkonsulta sa kanyang OB gyne at pinapalakas pa rin ni Max ang kanyang pangangatawan sa pamamagitan ng mga ehersisyo para na rin sa paghahanda sa araw ng kanyang pagsisilang.

Magkaganun man, say pa rin ni Max, ang naturang ideya ay hindi naman 100% na itutuloy niya, magiging depende kasi ito sa posisyon ng kanyang baby sa loob ng kanyang tiyan kung kakayanin niyang iluwal ito lalo pa nga’t walang anesthesia sa water birthing.

 

MARVIN AGUSTIN NAG-AALALA SA KAPATID NA FRONTLINER SA CANADA

HINDI napigilan ng aktor na si Marvin Agustin, ang kanyang pangamba sa kalagayan ng kanyang nakatatandang kapatid na nabae na isang nars at frontliner ngayon sa Canada.

Sa kalagayan kasi ng frontliners natin dito sa Pinas, ay kinumusta naman ni Marvin ang kapatid. At sa pagsagot nito ay nasabing ang hirap ng kanilang kalagayan sa Canada. Marami ring frontliners na ‘di ligtas sa lumalaganap na coronavirus disease.

Kaya nga hinihikayat ni Marvin ang ating mga kababayan na mayroong mga kamag-anak na frontliners na bigyan nila ito ng mga inspirasyon at mas palakasin pa ang mga loob para sa buwis-buhay na serbisyong ibinibigay sa bayan at sa mga mamamayan lalong-lalo na sa mga naging biktima ng COVID 19.

Say pa ni Marvin, kung sa Canada na isang maunlad na bansa ay hirap sa pakikibaka ang nararanasan nila , hirap daw ang frontliners doon, paano na kaya sa ating sariling bansa na nabibilang sa isang third-world country?

Comments are closed.