MAY IBA’T IBANG KASO SA DROGA INARESTO

QCPD ARRESTED

QUEZON CITY – ARES­TADO sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD), sa ilalim ni Director,  Chief Supt. Joselito Esquivel Jr.,  ang 12 suspek hinggil sa kasong ilegal na droga sa loob lamang ng 24 oras sa lungsod na ito.

Una na rito ang pagkakaaresto ng mga tauhan ng La Loma Police Station (PS 1) sa suspek na si Jean Paul Macalalad, 28, ng Brgy. Salvacion, bandang alas-2:00 ng umaga kahapon sa harapan ng  PS 1, Mayon St., corner Malaya St., Brgy. N.S. Amoranto. Isang patrol police ang pumara sa suspek dahil sa ‘di pagsuot ng helmet kung saan siya ay nakuhanan ng shabu sa kanyang compartment.

Sa Talipapa Police Station (PS 3) naman, sa ilalim ni P/Supt. Alex Alberto, na habang nagsasagawa ng Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) ay inaresto sina Nora Nala, 39,  Belinda Barbasa, 34, at Alex Medina, 39, kapuwa mga residente ng Brgy. Tandang Sora, bandang alas-2:45 ng madaling araw kahapon sa Tandang Sora Ave., Brgy. Tandang Sora.

Ang mga suspek ay naaktuhan pang guma­gamit ng ilegal na droga at narekober mula sa mga ito ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu, unsealed sachet na may traces ng  shabu at drug paraphernalia.

Arestado rin sa mga tauhan ng Novaliches Police Station (PS 4) sina Brian Casio, 39, Serafin Latoja, 51, Marjun Betyo, 27, Rene Respecia, 22, Jenel Navarro, 32,  at Charlie Tubo, 42, mga re­sidente ng Brgy. Tandang Sora, bandang ala-1:25 kahapon ng madaling araw, sa Blk 3 Lot 16, Brgy. Road, Servant of Charity, Brgy. Pasong Tamo, kung saan nakuha mula sa mga ito ang walong sachet ng shabu, tatlong cellphone, dalawang Yamaha Mio motorcycle at isang L300 Mitsubishi van.

Sa hiwalay na operasyon, inaresto ang mga suspek na sina Ryan Ceblano, 25, at Jester Santiangco, 18, pawang mga taga Brgy. Baesa, bandang alas-2:30 ng madaling araw kahapon sa Rich Land St., Brgy. Bagbag, Novaliches.

Kumpiskado mula sa mga suspek ang isang pakete ng shabu, isang cellphone at P15,500.00 na marked money. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.