MAY SAKIT NA MAYOR BUMABA SA PUWESTO

Rimel Tolentino

QUIRINO-DAHIL sa iniindang karamdaman, napi­litan magbitiw sa kanyang puwesto bilang punong bayan ng Maddela si Mayor Pong Ruiz upang mapagtuunan ng pansin ang kanyang sakit.

Ayon kay Provincial Local Government Officer (PLGOO) Salvacion Baccay , kusang naghain ng kanyang resignation letter si Ruiz noong Setyembre 2 at natanggap naman ng tanggapan ni Gobernor Dakila ‘Dax’’ Cua noong Setyembre 10.

Dahil dito, manunungkulan bilang bagong alkalde ang Vice Mayor nito na si Rimel Tolentino.

Sabay na nanumpa sina Tolentino bilang Mayor ng Maddela at ang unang Sanguniang Bayan member na si Atty. Junard Ramos bilang bagong Vice Mayor.

Kasalukuyan naman pinoproseso kung sino ang papalit sa nabakanteng posisyon sa pagkasanguniang bayan member.

Kasabay nang pagbibitiw ni Ruiz, nagbitiw na rin ang nasa co-terminus position na si Municipal Administrator (MA) Salvacion Baccay. IRENE V. GONZALES

Comments are closed.