LOS ANGELES, United States – Nabawi ni boxer Floyd Mayweather ang pangunguna sa Forbes’ annual ranking ng 100 highest-paid athletes subalit walang babae na napabilang sa listahan sa unang pagkakataon.
Ayon sa Forbes, si Mayweather, 41, ay nanguna sa sports highest-earners makaraang magbulsa ng $275 million mula sa kanyang cross-combat superfight laban kay martial arts star Conor McGregor noong Agosto 2017.
May karagdagang $10 million sa endorsements, si Mayweather ay kumita ng kabuuang $285 million sa pagitan ng Hunyo 1, 2017 at Hunyo 1, 2018, upang komportableng malagpasan si second placer football star Lionel Messi, na nagtala ng $111 million.
Gayunman, nabigo ang mga female athlete na makapasok sa top 100 sa unang pagkakataon buhat nang simulan ng Forbes ang paglalathala ng ranking nito.
Nasibak sa ranking si tennis star Serena Williams, na noong nakaraang taon ay nag-iisang babae na nakasama sa listahan sa ika-51 puwesto na may kita na $27 million, makaraang magpahinga sa sport matapos manganak.
Nanguna si Mayweather sa rankings sa ikaapat na pagkakataon sa loob ng pitong taon.
Pinatalsik niya sa no. 1 ranking si soccer great Cristiano Ronaldo, na hawak ang money crown sa nakalipas na dalawang taon. Bumagsak ito sa ikatlong puwesto na may kabuuang kita na $108 million.
Nasa top 10 highest-paid atheletes din sina Conor McGregor (MMA) na may kabuuang kita na $99-M; Neymar (soccer), $90-M; LeBron James (NBA), $85.5-M; Roger Federer (tennis), $77.2-M; Stephen Curry (NBA), $76.9-M; Matt Ryan (NFL), $67.3-M at M. Stafford (NFL), $59.5.
Comments are closed.