MEDICAL SUPPLIES, NAUUBOS NA

Secretary Francisco Duque III

INAMIN ni Health Sec. Francisco Duque III sa Kamara na paubos na ang mga kagamitang panangga sa COVID-19.

Sa briefing ng House Committee on Health, sinabi ni Duque na hindi problema ang pondo para sa coronavirus kundi ang kakaunting medical supplies na kailangan para labanan ang sakit.

Inamin ng kalihim na ngayon ay mayroon ng global shortage ng personal protective equipment at testing supplies.

Umaasa si Duque na matugunan pa rin ang kanilang testing supply na mangangaila­ngan ng 2,000 test supplies kada linggo.

Samantala, maging ang mga ospital ay ramdam na rin ang kakulangan sa suplay ng medical supplies.

Ayon kay Philippine Hospital Association President Jaime Almora, kulang na ang face masks supplies sa mga ospital kung saan nag-i-improvised na lamang ang ilang pagamutan sa paggamit ng mga lumang tela o linen.

Samantala, sa ngayon ay nasa 95 na ang bilang ng mga Filipino sa labas ng bansa na nahawa sa COVID-19 kung saan sa Japan ang may pinakamataas na bilang ng mga Pinoy  na nasa  80 na. CONDE BATAC

Comments are closed.