HALOS walong buwan din na hindi naging aktibo sa telebisyon ang magsyotang Mikael Daez at Megan Young. Pagkatapos kasi ng kanilang “The Stepsisters” kasama si Katrina Halili ay nagtuloy sina Megan at Mikael sa kanilang planong bakasyon sa ibang bansa pagkatapos ng kanilang soap. Kung saan-saang bansa nakarating ang dalawa.
Ngayon ay balik-trabaho na muli si Megan sa isang soap na pagbibidahan niya kasama sina Kris Bernal, Rayver Cruz, Kim Domingo, at iba pa.
Sa panayam kay Megan ay natanong ang young Kapuso actress tungkol sa bali-balitang nagpakasal diumano sila ng lihim ng kanyang boypren na si Mikael sa ibang bansa at doon na rin daw nagawa ang honeymoon?
Say ni Megan, nagulat siya na pati ang kanyang ina ay tinanong si Megan sa kanyang pagbabalik-bansa kung totoo nga bang ikinasal na sila ng boypren. Labis naman itong ikinabigla ni Megan at sabay tanggi sa isyu.
Pagdating naman sa bagong proyekto niya, say ni Megan, first time working with Kris and Rayver, kung kaya maninibago naman siya pero excited si Megan dahil sa may bago na naman siyang makakatrabaho at ibang iba pa rin ang kanyang karakter sa bagong soap na gagawin kaysa sa role niya sa “The Stepsister”. Hindi kaya by this time siya naman ang mean girl?
KIM DOMINGO TAKOT SA LIVE-IN PARTNER
LOVE changes Kim Domingo. True, kasi simula nang mag-ingay ang kanyang pangalan sa showbiz ay nai-package siya bilang isang sexy actress. Naging mabenta ang kanyang byuti sa mga sexy pictorial sa men’s magazine, maging ang kanyang mga role ay sexy and naughty sa telebisyon.
Ngayon ay ibang-iba na ang kaseksihan ni Kim, less on skin, dinadala na lang sa pananamit ang kaseksihan. Maging sa kanyang role ay iwas-pusoy na rin si Kim sa mga sexy comedy role. Sabi ng iba, malaki raw kasi ang impluwensiya ng kanyang boypren ngayon and live-in partner sa kanyang change image. Pinagbawalan raw siya ng boypren na magpa-sexy pa muli.
Ayon naman kay Kim, choice din naman kasi niya ang mag-iba ng career image, mas gusto niyang makilala naman ng masa sa mga bigating role, drama o aksyon. Gamay na niya ang komedi at pagpapa-sexy. Kung kaya ilan sa mga proyektong dapat na gawin niya sa Kapuso Network ay nagback-out si Kim kasi nga may halong kaseksihan kahit pa heavy drama. Ngayon ay may bagong project si Kim, kung saan ay masusubukan ang kanyang galing sa aksyon/drama.
First time for Kim na lumabas sa ganitong genre kung kaya super excited siya.
Comments are closed.