MEL TIANGCO AT MIKE ENRIQUEZ PINAG-USAPAN ANG PAGBABALIK SA 24 ORAS

NA-MISS nang husto sina Mel Tiangco at Mike Enriquez bilang mga anchor ng 24 Oras kaya nag-trending talaga ang kanilang pagbabalik sizzling bitsnoong June 1.

Dahil sa enforced quarantine, pansamantala silang nawala ng almost two months sa primetime news program ng GMA-7.

Nag-pinch-hit sina Jessica Soho at Atom Araullo sa 24 Oras mula noong Abril hanggang noong May 29, 2020.

Napakikinggan na rin si Mike sa morning program nito sa DZBB kaya ikinagalak ng kanyang mga tagasubaybay nang kanilang muling ma-rinig ang kanyang pamosong, “excuse me po!”

Anyhow, obvious na na-miss rin ni Vicky ang kanyang dalawang kasama dahil sa kanyang pahayag na kumpleto na naman ang barkada.

Tinukso rin ni Vicky si Mel na sinabayan nito ang pagbabalik sa 24 Oras ang launch ng Korean actor na si Hyun Bin as an endorser of a telecommunications and digital service provider.

Hindi raw niya ito mami-miss, ang buong ningning na sagot ni Mel, na very much open ang admiration sa lead actor ng Crash Landing On You.

Anyhow, hindi lang ang tandem nina Mel at Mike ang bumalik sa te­lebisyon. Balik-telebisyon rin ang Saksi, ang late-night Kapuso news-cast nina Arnold Clavio at Pia Arcangel.

ISYU NG ABS-CBN NATABUNAN NG KANEGAHAN NI VICE GANDA

ISANG Twitter user na nagtanong nang pataray kay Vice Ganda kung bakit hindi raw vocal ang comedian-TV host in connection with thevice ganda issue against ABS-CBN.  Ang sagot ng bakla ay patanong din.

“Nabasa n’yo po ba lahat ng tweets ko?

“Nakita n’yo po ba lahat ng IG posts ko?

“Na-watch n’yo po ba ‘yung latest youtube vlog ko?”

Hindi na sumagot ang bading sa litanya ng kapwa bakla. Hahahaha!

Obviously, the netizen is not updated about Vice Ganda’s sentiments.

Mula kasi nang ipasara ng National Telecommunications Commission ang ABS-CBN last May 5, isa si Vice sa Kapamilya stars na naging vocal sa paglalabas ng kanyang pahayag.

Unfortunately, hindi gaanong nabigyan ito ng tamang highlight dahil higit na pinag-ukulan nang pansin ang pang-iinsulto ng mataray na bakla kay Pastor Quiboloy na buong pang-uurat niyang hinamon ang Pastor na napahinto raw naman kuno nito ang lindol so “sige nga, patigilin mo ang traffic sa EDSA at ipahinto ang Probinsyano kasi ang yabang ninyo eh.”

Dahil nasupalpal sa kanyang pronouncements, hindi na tuloy napag-ukulan ang iba pa niyang tweets.

Paulit-ulit kasing inilalabas sa social media ang pagtatawanan nila sa It’s Showtime bilang pang-iinsulto kay Pastor Quiboloy na lumabas ngayon na vindicated siya sa mga nangyari.

‘Yun lang!

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

Comments are closed.