MERALCO NAGBIGAY LIWANAG AT SAYA SA PAMILYANG PILIPINO NGAYONG KAPASKUHAN

Ngayong papalapit ang kapaskuhan, opisyal nang binuksan ng Manila Electric Company (Meralco), ang Liwanag Park sa publiko, kasabay ng isang selebrasyong handog sa kanilang mga partner at customer.

Binibigyang halaga ng kumpanyang pinamumunuan ni Manuel V. Pangilinan, ang mga consumer nito na maituturing na mga natata­nging Pilipino na sa kanilang simpleng pamamaraan  ay nagbibigay rin ng pag-asa sa kani-kanilang komunidad.

Pangunahing layunin ng One Meralco Foundation (OMF) na makapagbigay liwanag at mabigyan ng kur­yente ang mga residente na nakatira sa mga  pinaka-liblib na lugar sa pamamagitan ng solar power na magpapa-ilaw sa mga kabahayan, paaralan at mga rural health center.

Sinabi ni OMF President at Chief Corporate Social Responsibility Officer Jeffrey O. Tarayao na pa­ngarap lamang dati ng mga residente ang magkaroon ng kuryente. Sa tulong ng mga ikinabit na solar panels, marami sa benepisyaryo ng programa ng OMF ang mayroon nang maayos at maaa­sahang suplay ng kuryente.

Hindi matatawaran ang dedikasyon ng OMF na maghatid ng liwanag kahit sa mga pinakamalalayong lugar. Tatawirin nito kahit ang masusukal na daan upang mailawan ang mga kabahayan, upang magbigay pag-asa sa mga residente na sila ay maaaring magkaroon ng maliwanag  at magandang  kinabukasan.

PAGKILALA SA MGA CUSTOMER

Ipinagdiriwang din ng kumpanya, dahil umabot na sa walong milyon ang customer ng Meralco, na nagpapatunay lamang na tinutupad nito ang binitawang pangako na makapaghatid ng matatag at maaasahang serbisyo para sa mga nasasakupan nito.

Kinilala rin ng kum­panya ang walong customers o tinatawag nilang “light bea­rers”  na kumakatawan sa iba’t ibang segments na kabilang sa iba’t ibang stakeholders na sineserbisyuhan nito.

Pinasalamatan ni Pangi­linan ang kanilang mga customer sa pagiging kabahagi ng 121 taong kasaysayan ng kumpanya, na nagbibigay inspirasyon sa Meralco na patuloy na magbigay ng liwanag sa mas marami pang Pilipino.

Para sa kumpanya, nagsisilbi ring “light bearers” o mga tagapaghatid ng liwanag ang mga customer sa kani-kanilang pamilya at komunidad.

LIWANAG PARK, BUKAS NA PARA SA PAMILYANG PILIPINO

Pinangunahan ni First Lady Hon. Marcos, at Pasig City Mayor Vico Sotto at mga lider ng Meralco ang pormal na pagbubukas ng Liwanag Park sa compound ng kumpanya sa Pasig City.

Makikita sa larawan ay sina (L-R) Meralco First Vice President and Head of ­Customer Retail Services Charina P. Padua, Senior Vice ­President at Chief Revenue Officer ­Ferdinand O. Geluz, Hon. Louise Araneta-­Marcos, ­Chairman at CEO Manuel V. Pangilinan, ­Executive Vice President at Chief Operating Officer Ronnie L. Aperocho at OMF President Jeffrey O. Tarayao.

Tampok ang sustainability commitment ng Meralco sa mga dekorasyon sa makulay at maliwanag na parke na bukas sa publiko. Mula sa pag-recycle ng mga meter covers upang makagawa ng 20 talampakan na Christmas Tree at tunnel of lights hanggang sa higanteng Belen na galing mula sa kawad na tanso, ipinamalas ng Meralco ang dedikasyon nito sa sustainability practices.

Dala ang temang “Paskong Pinoy”, matatagpuan sa Meralco Liwanag Park ang iba’t-ibang makukulay na display na gawa sa mga recycled na materyales.

Bukod pa sa makukulay na mga display, maaari rin suma­kay sa Meralco Tranvia na kasya ang 16 na katao. Simbolo ang vintage tranvia ng makulay na kasaysayan ng kumpanya dahil nakilala ito noon bilang isang railroad company at ngayon ay isa ng electric distributor powerhouse.

MERALCO LIWANAG PARK SA INTRAMUROS

Pinailawan na rin ang Liwanag Park sa Plaza Roma kasama ang Intramuros Administration. Ipinakita rito ang 20 talampakan na Christmas Tree na ginamitan ng recycled meter cover at steel cross-arms na binibigyan ng liwanag ng LED bulbs, kasama ang replika ng tranvia na kumakatawan sa mahalagang pangyayari ng kumpanya.

Nagsimula noong 1998 ang tradisyon na buksan ang Meralco Liwanag Park na dinadayo ng milyong-milyon pamilyang Pilipino at nagningning din ng ilang dekada.

Makikita sa karawan sina (L-R) ) Intramuros Administration ­Administrator Joan Padilla, ­Meralco, Senior Vice President at Chief Revenue ­Officer ­Ferdinand O. Geluz, Manila City ­Mayor Maria ­Sheilah “Honey” Touris ­Lacuna-Pangan, ­Senate President ­Francis “Chiz” Escudero, ­PAGCOR ­Chairman at Chief ­Executive ­fficer ­Alejandro Tengco, Tourism ­Undersecretary ­Ferdinand C. ­Jumapao, One ­Meralco ­Foundation President Jeffrey O. Tarayao, Senator Mark Villar, at ­Secretary of Human ­Settlements and ­Urban ­Development Jerry Acuzar

Bukas ang parke sa mga bisita mula ika-anim hanggang ika-11 ng gabi, hanggang ika-31 ng Disyembre 2024. Ang Liwanag Park sa Intramuros naman ay maaa­ring dayuhin hanggang ika-anim ng Enero 2025. Bukod pa sa makukulay na mga display, maaari rin sumakay sa Meralco Tranvia na kasya ang 16 na katao. Ang vintage tranvia ay simbolo ng kumpanya sa kanyang makulay na kasaysayan, dahil nakilala noon bilang isang railroad company at ngayon ay isa ng electric distributor powerhouse.

–RIZA ZUÑIGA