BILANG paggunita sa International Day of Biological Diversity, nakiisa ang Manila Electric Company (Meralco) sa isang espesyal na interagency clean-up activity sa Estero de Provisor na inorganisa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Pasig River Coordinating and Management Office (PRCMO).
Layunin ng nasabing clean-up activity na linisin ang mga estero na nakapalibot sa Isla de Provisor sa lungsod ng Maynila upang tanggalin ang mga water hyacinths na kapag pinabayaan ay maaaring magdulot ng matinding pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan dahil hinahadlangan at binabarahan nito ang natural na pag-daloy ng tubig sa mga nasabing estero.
Ang social development arm ng Meralco, ang One Meralco Foundation, ay tumulong rin at nagkaloob ng mga gamit para sa mga volunteers katulad ng mga kalaykay, rain boots, kapote, guwantes, masks, at isang heavy duty truck na ginamit pang-hakot ng mga water hyacinths.
Lumahok din sa nasabing clean-up activity ang lokal na pamahalaan ng Maynila, ang NCR – Regional Community Defense Group (RCDG), Department of Public Works and Highways (DPWH), Metro Manila Development Authority (MMDA), at ang K-Line Maritime Academy – Philippines.
Nagpasalamat si PRCMO Deputy Director Dr. Teodoro Lloydon C. Bautista sa mga ahensya at kumpanyang nakilahok sa nasabing aktibidad. Aniya: “At the end of the day, it is not us who is going to benefit from this. It is your children, and your children’s children.”
Ayon naman kay Meralco Central Business Area Head Margarita B. David: “This is all in the spirit of bayanihan and of course, malasakit. As one of Meralco’s core values, malasakit for us not only applies to our customers to whom we deliver electricity service, but also to our environment.”