MERYLL SORIANO AYAW UMASA SA AMANG SI WILLIE

KAHIT pa anak na siya ng isang multi-millionaire, ayaw isipin ng award-winning The pointactress na si Meryll Soriano na isa na itong pribilehiyo sa kanya.
Sey pa niya, kahit niregaluhan siya ng kanyang tatay at host ng Wowowin na si Willie Revillame ng kotse at bahay, hindi raw naman lahat ng hilingin niya ay ibinibigay nito.
Katunayan, gusto rin daw ni Willie na matutunan niya ang kahalagahan ng pagkita ng pera.
Kaya naman, bukod sa pag-arte, kumikita rin siya ng sariling pera.
Mayroon din kasi siyang itinayong commercial design firm na tamang-tama naman dahil graduate siya ng international degree in designs.
Naghahanda na rin siya sa pagdidirek ng kanyang sariling pelikula bagama’t wala pa siyang final cast para sa kanyang maiden project.
Ang tema raw nito ay tungkol sa post-partum depression at inspired sa librong “Down Came The Rain: My Journey Through Post-Partum Depression” na isinulat ng kilalang ‘80s star na si Brooke Shields.
Ang multi-awarded screenwriter at Plaridel awardee na si Ricky Lee ang magiging creative consultant nito.
Si Meryll ay produkto rin ng screenwriting workshop ni Ricky Lee.
Speaking of Meryl, kasama siya sa cast ng pelikulang “Culion” kung saan ginagampanan niya ang role ni Ditas, isang babaeng ketongin na itinapon sa leprosarium noong panahon ng Commonwealth noong 1941 para hindi makahawa.
Kasama rin niya rito ang award-winning actresses na sina Iza Calzado at Jasmine Curtis-Smith.

MYLENE DIZON WALANG BALAK SUMALI SA MMFF PARADE

THANKFUL si Mylene Dizon na may MMFF entry siya this year.
Kasama siya sa horror movie na “Sunod” kung saan ginagampanan niya ang role ng boss ni Carmina na nagtatrabaho sa isang call center.
Huling pelikulang naaalala niya na nakasali siya sa MMFF ay sa “10,000 Hours” kung saan nakasama niya si Robin Padilla.
Huling horror movie naman niya sa MMFF ang “Shake, Rattle and Roll X”.
Sey ni Mylene, bagamat gusto niyang sumali at sumakay sa float this year, mas priority daw sa kanya ang pakikipag-bonding sa kanyang pami-lya.
Ito lang daw ang pambihirang pagkakataon na makakabawi siya sa kanyang mga anak dahil bakasyon siya sa kanyang trabaho.
Opportunity rin daw ang Christmas para makapag-spend siya ng quality time at maka-bonding ang kanyang kids na sina Tomas at Lucas, anak niya sa kanyang ex na si Paolo Paraiso.
Si Mylene ay kasama rin sa Kapuso teleseryeng “Bilangin ang Bituin sa Langit” kung saan kabituin niya ang Superstar na si Nora Aunor at si Ky-line Alcantara.

Comments are closed.