METRO MANILA BALIK-GCQ

GCQ

MULI na namang isasailalim ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) simula sa Agosto 19.

Sa public address ng Pangulong Rodrigo Duterte Lunes ng gabi, Agosto 17, inianunsiyo nitong  iiral muli ang GCQ sa Metro Manila kasama  na rin ang Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Ipatutupad din ang GCQ sa mga probinsiya  Nueva Ecija, Batangas, Quezon sa Luzon; Iloilo City, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Talisay City, munisipalidad ng Minglanilla at Consolacion sa Cebu province sa Visayas.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay ilalagay sa modified general community quarantine (MGCQ).

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na magtatapos ang bagong quarantine classifications hanggang sa Agosto 31, 2020. PMRT

Comments are closed.