METRO MANILA HINDI PA HANDA SA ALERT LEVEL 1

IGINIIT ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na maaga pa para masabing handa na ang Metro Manila sa Alert Level 1 sa harap naman ng mga panukalang ipatupad na ito SA Pebrero 16.

Sa briefing ng La­ging Handa, idinagdag ni Vergeire na may sinusunod na mga datos ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagkokonsidera ng alert level.

“Pero tandaan natin iyong metrics natin for Alert Level 1, mayroon siyang kasama na vaccination coverage, mayroon din siyang kasama na safety seal requirements. So itong dalawang ‘to ang magbabalanse at magsisiguro sa atin na kung mataas ang bakunahan ng ating populasyon sa isang lugar na iyon – katulad NCR,” ani Vergeire.

Idinagdag ni Vergeire na dapat din ikonsidera ang mga hindi pa bakunado sa bansa na pagmumulan ng mutation.

“I’m not saying na hindi tayo pupunta sa Alert Level 1. Ang sinasabi lang natin pag-aaralan nating maigi ‘yan para tayo’y makasiguro na mayroon tayong adequate safeguards kapag tayo ay nagbaba na and people will be protected also by our government because of these metrics,” giit nito.

Nauna nang ipinatupad ang Alert Level 2 sa Metro Manila hanggang 15 Pebrero. LIZA SORIANO