MGA ANAK NI LORNA T. SASABAK SA POLITIKA

Nagbabalak daw ang mga anak ni Lorna Tolentino at Rudy Fernandez na sina Ralph at Renz Fernandez na sumabak sa politika.

Kahit kailan daw ay hindi ito naisip ni Lorna — pero kung natatandaan ninyo, there was a time na bago namatay si Rudy ay tumakbo itong mayor sa Quezon City, natalo lang nga.

Gusto raw nina Ralph at Renz na maglingkod sa bayan, at hindi niya pipigilan ang mga ito kung sakali, tulad nang sinuportahan din niya si Rudy noong gusto nitong tumakbong mayor.

“Sabi nila, unti-unti, kasi kailangan din may background sila,” ani LT. “Mag-umpisa muna silang tumutulong sa mga may kailangan ang service nila.”