(Mga bakwit pinag-iingat) SAKIT SA EVAC CENTERS

Eric Domingo

PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang mga residente na naapektuhan ng sunod-sunod na malalakas na lindol sa Mindanao, hinggil sa posibilidad na kumalat ang iba’t ibang uri ng sakit sa mga evacuation center

Ayon kay Health Undersecretary at Spokesperson Eric Domingo, upang maiwasan ang po­sibleng outbreak ng sakit ay dapat magkaroon ng proper ­hygiene ang mga bakwit.

Payo pa ni Domingo, dapat ding ugaliin ng mga ito ang tamang pag­huhugas ng kamay at pag-tiyak na malinis na tubig lamang ang iinumin at gagamitin sa pag­luluto.

Sinabi ng health official na prayoridad nila sa ngayon na matiyak na hindi magkakasakit ang mga evacuee.

Tiniyak din niya na ginagawa nila ang lahat upang mapagkalooban ng kinakailangang atensiyong-medikal ang mga residente na naapektuhan ng malalakas na lindol sa Mindanao.

Malalagay sa lalong mahirap na sitwasyon ang mga residente, na nabiktima na nga ng lindol ay dadapuan pa ng ka­ramdaman.

Ani Domingo, may mga medical team na rin sila na nag-iikot sa evacuation centers upang masuri ang kalaga­yan ng mga residente, lalo na ang may dinaranas na sakit. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.