ILANG mga estudyante sa Iloilo City ang pinagsuot na ng face mask ng kanilang mga magulang matapos na marinig ang balita tungkol sa haze alert.
Anila, paraan ito upang maproteksiyonan ang mga bata na mahina ang resistensiya.
Isa ang lungsod sa mga lugar sa bansa na apektado ng haze mula sa forest fires sa Indonesia.
At nitong Martes ay nagbabala ang Environment Management Bureau (EMB) na umabot na sa Davao Region at Soccsksargen ang haze mula Indonesia.
Sinabi pa ng PAGASA na hinihila ito papasok ng bansa ng umiiral na habagat o southwest monsoon.
Comments are closed.