MGA INA BINALAAN NG DSWD SA PAGPAPAAMPON ONLINE

NAGBABALA ang Department of Social Welfare and Develop¬ment (DSWD) sa pagpapaampon online kapalit ng pera.

Ayon kay DSWD Protective Services Bureau Director Alice Bonoan, labag sa batas at maituturing na trafficking ang alok na pagpapaampon ng mga  ina sa  kanilang isisilang at isinilang na sanggol gamit ang Facebook.

Binigyang diin ni Bonoan na mahigpit ang proseso ng pag-aampon na ipinatutupad ng pamahalaan upang matiyak na tugma ang mga bata sa mga mag-aampon sa mga ito.

Samantala, aabot naman sa 19 na pekeng Facebook account para sa pag-aampon ang nadiskubre ng DSWD.

Kumikilos na ang DSWD at nakikipag-ugnayan na sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para pigilan ang naturang ilegal na gawain. DWIZ882

 

Comments are closed.