PINAPAYAGAN ng Commission on Elections (Comelec) ang pangangampanya gmit ang text messages para sa May 13 National and Local Elections.
Ito ang nilinaw ni Comelec spokesperson James Jimenez nang makatanggap ng impormasyon na target ng mga kandidato ang mga mobile user sa pangangampanya.
“Walang pagbabawal sa paggamit ng mobile number / sms sa pangangampanya,” paglilinaw ni Jimenez, sa kanyang social media account.
Gayunman, sinabi ni Jimenez na maaari naman itong i-report ng mga mobile user sa National Telecommunications Commission (NTC) dahil maaaring pasok ito sa ilalim ng anti-spamming regulations.
Nauna rito, isang netizen ang nagpaabot kay Jimenez na direktang tinatarget ng mga kandidato ang mga mobile user.
Una na ring sinabi ng Comelec na walang batas na nagbabawal sa political campaign sa social media. ANAROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.