ITINUTURING ng mga naninirahan sa Rosario, Cavite na ang talipapa ang siyang alternatibong pamilihan. Mga simpleng tindahan na abot-kamay ang halaga ng bawa’t produkto.
Puwedeng tingi o kaya naman ay kada kilo.
Mayaman sa pakikisama ang mga tao rito.
May mga Gulay, karne, isda na pagpipilian na naayon sa gusto ng mamimili dahil magkakatabi lang sila sa talipapa.
Gayunpaman, huwag na muna humingi ng tawad dahil ang inaakala mong masyado ang presyo ay swak pala sa bulsa mo.
Maaaring ibigay ang nais mo dahil ang mahalaga ay masaya ang bawa’t isa.
Ang malunggay ni Mang Berto na pampahaba raw ng buhay ay murang-mura lang at bagong pitas lang sa kanilang kapit-bahay.
Araw-araw mong makikita si Mang Berto na sobrang sipag at sagad kung makisama.
Masagana at punung-puno ng biyaya ang talipapang ito.
Madaling-araw pa lamang ay abala na ang bawat isa sa pag-aayos ng kanilang mga itinitindang produkto.
Ganyan ang buhay ng mga tao dito sa talipapa.
Simple lamang ang pamumuhay na nagtitiyaga sa pagtitinda nang kumita ng pera para sa pamilya.
Ang talipapa sa Tramo ay bahagi lamang ng isang bayang tahimik, masaya at maunlad. SID SAMANIEGO