CENTRAL MINDANAO –PATOK ngayon ang binuong Task Force Sagip sa probinsya ng Cotabato.
Ang Task Force Sagip ay binuo ng Provincial Inter-agency Task Force on COVID upang tulungan ang mga na-stranded sa ibang lugar at makauwi sa North Cotabato.
Batay sa pinakahuling datos, aabot na sa 5,100 ang nakapagrehistro online simula ng pagbuo nito.
Sinabi ni EOC Manager at tagapagsalita Task Force Covid 19 Cotabato 2nd District board member Dr Philbert Malaluan, dahil dito nagdag-dag na ng mga miyembro ang task force team dahil sa dami ng mga nagparehistro.
Nagdagdag din ng mga hotline numbers na maaring matawagan para sa mga katanungan ng mga stranded na mga residente ng Cotabato sa ibang lugar sa bansa.
Bago lamang ay nagpulong ang Inter Agency Task Force at napagkasunduan ang hiwalay na hotline number para naman sa emergency o priority cases tulad ng mga buntis.
Dahil batay sa quarantine guidelines, mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas ng mga buntis.
Nagdagdag din sila ng mga psychologist para kumausap sa mga suicidal at depressed stranded Cotabateños.
Samantala, kinumpirma rin ni BM Malaluan na nagnegatibo COVID-19 ang isang Cafgu na PUI suspect na residente ng Anti-pas, North Cotabato sa swab test nito at nagpapagaling na lamang sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa siyudad ng Cotabato. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.