MGA PASAHERONG SENIOR AT MINOR PUWEDENG TANGGIHAN NG DRAYBER

Senior Citizens-5

MAAARING tanggihang isakay ng  public utility vehicles (PUVs) ang mga senior citizen at mga pasaherong nasa 21 taong gulang pababa.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, ito ay dahil nasa polisiya ito ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) kasama ang Metro Manila at karatig na mga lalawigan.

Sinabi ni Libiran, hindi rin dapat pasakayin ang mga pasaherong walang suot na face masks at face shield.

Aniya, responsibilidad ng mga operator at drayber ng PUVs ang kaligtasan at seguridad ng kanilang mga pasahero.

Gayunman, binigyang diin naman ni Libiran na dapat sa magalang na pamamaraan ang gagawing pagtanggi o hindi pagpapasakay sa mga pasaherong senior citizens, o mga kabataang nasa 21 taong gulang pababa—at mga pasaherong walang suot na face shield at face masks.

Samantala, iginiit ni Libiran na mayroon namang exception dahil mayroong pagkakataon na kailangangang makabiyahe ng mga senior citizen o mga kabataan kagaya na lamang kung essential workers ang mga ito o magtutungo sa mga ospital.

Comments are closed.