ILANG araw matapos ang panalo ni US President Donald Trump, binalaan ni Ambassador Jose Manuel Romualdez ang mga Pilipinong ilegal na naninirahan sa Estados Unidos na makabubuting magsiuwi na bago pa ma-deport.
Sa isang online forum na isinagawa ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) nitong Biyernes, nagbabala si Romualdez sa mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika dahil ito ay may kaugnayan sa pagkapanalo ni US President-elect Donald Trump.
“My advice to many of our fellowmen who actually are still here but cannot get any kind of status. My advice is for them not to wait to be deported,” giit ni Romualdez.
Matatandaan na isa sa mga pangunahing plataporma ni Trump ang malawakang deportation ng illegal migrants sa Estados Unidos at pagpapaigting ng US borders.