MICHAEL V KINARAY ANG MISIS SA UNANG NEGOSYO

michael v and carol

ISA si Michael V sa mga aktor natin na masasabing may perfect family life. Walangwallface tsismis sa kanya na nag-uugnay sa ibang babae kahit pa napaliligiran siya ng mga tukso.  Inilayo ni Michael V. ang kanyang pamilya sa showbiz, kung may masusulat man sa mga member ng kanyang pamilya ‘yun ay dahil sa may special na okasyon sa buhay ng aktor.

Pero ngayon na pinasok na rin ni Michael V ang pagpoprodyus ng pelikula, ay sinama na niya ang kanyang misis sa mundo ng showbiz. Ginawa ni Michael V sa kanyang kauna-unahang negosyo, ang isang movie outfit na Mic Test Entertainment, na executive producer ang kanyang misis na si Carol Bunagan.

Knowing Michael V., hangga’t maaari ay inilalayo ang kanyang pamilya sa showbiz kahit behind camera pero dahil ang negosyo ng kanilang pamilya ay may kaugnayan sa showbiz, kaysa nga naman na ipamahala sa iba ay sa kanyang kabiyak na lang ibigay ang pamamahala.

Sa rami naman kasi ng ginagawa ni Michael V para sa kanyang kauna-unahang movie na prinodyus at dinerehe, ang “Family History” kasama sina Dawn Zulueta, Bianca Umali, Miguel Tanfelix at marami pang iba, bukod kasi sa nabanggit ay si Michael V pa rin ang lead actor, screenwriter at production designer, plus kailangan din ng matinding promo sa kanyang movie ay sa misis na lang binigay ni Michael V ang mga kinakailangan behind camera.

DEREK RAMSAY INALMAHAN ANG BINTANG NA PAGIGING ABUSADO

HINDI pinalagpas ng “The Better Woman” lead actor na si Derek Ramsay ang isang derek ramsay‘malupit’ na basher na nagkomento sa social media ac-count ng hunk actor.

Ayon sa naturang basher, malupit daw na amo itong si Derek sa kanyang mga kasambahay, sinigawan daw ng aktor ang mga ito at minumura at dinig na dinig daw ito ng kanyang mga kapitbahay. Hindi naman ito pinalagpas ni Derek sa pagsasabing parang kilala na niya ‘yung basher. Lalong hindi pinalagpas ni Derek ang ginawa ng kanyang basher na i-post ang kanyang address sa naturang socmed account.

Sabi pa ng hunk actor, sabihin na raw niya ang gusto niyang sabihin pero mali na pati ang kanyang address ay ilagay ng basher sa social media. Hinamon rin ni Derek na pumunta sa kanyang tahanan at kausapin ang kanyang mga kasambahay kung minamaltrato niya ang mga ito.

Dagdag na say pa ng actor, parang pamilya niya raw kung ituring ang kanyang mga kasambahay at hindi niya raw ito itinuring na ibang tao. Sana naman daw ay maging maingat sa kanyang pamba-bash ang naturang netizen.

Hindi naman pinalagpas ng mga follower  ni Derek ang ginawang pag-aakusa ng basher sa pagsasabing sana kung masamang tao ang kanilang idolo ay nagreklamo na ang mga dating girlfriend nito sa kanyang pag-uugali, kaya lang wala nga raw na kahit isa ang nagsabing may masamang ugali ang actor.

Comments are closed.