RATSADA ang showbiz career ng dalawang Kapuso stars, sina Migo Adecer at Kate Valdez. Ilang linggo pa lamang silang napanonood sa GMA Primetime Telebabad na “Anak ni Waray Vs Anak ni Biday” pero may bago na naman silang proyekto na sisimulan.
Ikinagulat nga nina Migo at Kate na sila ang napili ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), para sa una nilang pagpo-produce ng isang project na co-production venture nila with GMA Public Affairs, titled “Project Destination.”
“Maganda po ang project dahil iikot ito sa magagandang asal ng mga Pilipino,” sabi ni Migo. “I think, matututo rin ako ng mga magagandang asal na ipakikita namin sa story.”
“I will portray po the role of Loret na anak ng prominenteng political clan sa bayan ng Negros,” kuwento ni Kate. “Mahuhulog po ang loob ni Loret kay Andre (Migo), na isang Filipino-American blogger. Maganda nga po dahil makakapasyal din kami ni Migo sa Negros sa pagti-taping namin.”
Ikinatuwa rin ni Kate, na sa “Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday,” ay role ng isang vlogger, si Caitlyn, ang ginagampanan niya sa serye at ex-boyfriend niya si Migo as Cocoy/Erick, na na-in love kay Barbie Forteza as Ginalyn. Pero si Caitlyn, love pa rin si Cocoy, ano ang mangyayari kung malaman na ni Caitlyn na ang mahal na ni Cocoy ay si Ginalyn?
Ang “Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday” ay napanonood gabi-gabi, pagkatapos ng “Descendants of the Sun.”
KAPUSO NETWORK TULOY ANG HATAW SA RATINGS
PATULOY ang pag-angat ng TV ratings ng GMA Network, hindi lamang sa Mega Manila at Urban Luzon, kundi ganoon din sa Urban Visayas laban sa katapat nilang network. Tuloy-tuloy ang pamamayagpag ng network nationwide ayon sa datos mula sa Nielsen TV Audience Measurement.
Bukod sa lalong pagtaas ng lamang ng Siyete sa Urban Luzon at Mega Manila, nasungkit na rin nito ang panalo sa Urban Visayas nitong buwan ng Pebrero. Nahatak na ang rating at nakatutok na ang buong sambayanan sa mga programa na napapanood hindi lamang sa afternoon at primetime blocks kundi pati na rin ang mga weekend shows ng Kapuso.
Congratulations!
NETIZENS HINIHINTAY ANG KISSING SCENE NINA DINGDONG AT JENNYLYN
NAKATUTUWA ang netizens na sumusubaybay sa Pinoy adaptation ng Korean drama na “Descendants of the Sun” na hinihintay matuloy ang kissing scene nina Maxine (Jennylyn Mercado) at Lucas (Dingdong Dantes).
First time daw ay noong sakay sila ng elevator, hindi natuloy dahil bumukas na ito at pinagtitinginan sila ng mga tao. Pangalawa, sa iconic ship-wreck scene na na-realize ni Maxine na kapag naging sila ni Lucas, iiwan din siya nito dahil isang sundalo. Pangatlo, noong dinner nila kay Alif Fayad na nagtampo ulit si Maxine kay Lucas at iniwan ito.
Natuloy na rin ito last Tuesday evening, ang first kissing scene nila. Gusto ni Maxine inumin nila ang wine na bigay ni Alif pero hindi puwede dahil naka-duty si Lucas. May iba raw siyang alam gawin, sabi ni Lucas, at iyon, halikan si Maxine.
Ang “DOTS PH” ay napanonood sa mas maagang oras after ng “24 Oras.”
Comments are closed.