MILYON-MILYON SA TRANSPORT SECTOR  SUPORTADO ANG UNITEAM

UNITEAM BBM-SARA

APAT sa pinakamalala­king transport group sa Pilipinas na may milyon-milyong bilang na mi­yembro ang nagdeklara ng suporta sa BBM-Sara UniTeam kasabay ng pagsasabing nakakakita sila ng pag-asa ngayon upang mapagbuti ang hanay ng sektor ng transportasyon.

Si Orlando ‘Ka Lando’ Marquez, national president ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP), ay personal na bumisita sa BBM Headquarters noong Biyernes ng hapon para iabot nang pormal ang kanilang ‘manifesto of support’ sa kandidatura ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

“Among all candidates running for the said position, only presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., laid a concrete plan in order to help and advance our interest as stakeholders of the public land transportation service,” ani Marquez sa pirmadong sulat, kasama ang tatlong pinuno ng iba pang mga transport organization.

Kabilang sa mga lumagda sina Armando Delos Reyes, national chairman of National Federation of Transport Cooperative (NFTC); Atoy Sta. Cruz, national president, Motorcycle Federation of the Philippines, Inc.; at Noel Bitara, national president ng Tricycle Operators and Drivers Association of the Philippines Inc. (LTOP-TODA).

“He (Marcos) made a firm commitment to our sector that our plight will be included in the priority agenda of his government,” nakasaad pa sa kanilang sulat.

Sinabi ni Marquez na sa UniTeam sila nakakita ng pag-asa sa sektor ng transportasyon dahil ang tambalang BBM-Sara ay sinserong nakikinig sa kanilang mga hinaing.

Bilang patunay, ang kanilang grupo ay palagi nang sumasama sa mga campaign sorties at caravan ng UniTeam sa iba’t ibang sulok ng bansa.

“Walang ikot sa campaign rally na hindi kasali ang aming mga miyembro. Boluntaryo po ito at wala kaming hinihinging kahit anong pondo. Naniniwala lamang kami na ang UniTeam ang makatutulong sa mga problema sa aming sektor kaya todo ang aming suporta,” sabi ni Marquez nang makipag-meeting ito kay PFP Sec. Gen. Thompson Lantion.

Sa kanyang panig, binigyang-pugay ni Lantion ang suportang ibinigay ng grupo ni Marquez na lalo aniyang magpapalakas sa kampanya ng UniTeam.

“We appreciate the support of the transport sector. As you know, the BBM-Sara UniTeam has been in constant communication with the transport sector to identify its problems as it will play a vital role in UniTeam’s platform to recover from the pandemic,” ani Lantion.

Kung matatandaan, bukod sa problema sa trapiko, isa sa maigting na programa ng BBM-Sara UniTeam ay ang pagpapalakas sa mass transport system sa bansa.

Desidido rin ang UniTeam na ipagpapatuloy, palalakasin at pagagandahin pang lalo ang Build, Build, Build program ng Duterte administration, bukod pa sa kailangang matugunan din ang problema sa walang tigil na pagtaas ng krudo at gasolina.