IPINATITIGIL ng isang kongresista ang pagmimina sa Mindanao matapos ang sunod-sunod na lindol doon.
Ayon kay Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, dapat na suspendihin agad ang mining ac-tivities sa Mindanao upang maprotektahan ang buhay ng mga minero.
Hiniling din ni Fortun ang pagsasagawa ng mga awtoridad ng inspeksiyon sa mining sites upang matiyak ang kaligtasan ng mga minero dahil ang mga malalakas na pagyanig ng lupa ay nakaaapekto sa katatagan sa ilalim ng lupa at sa mga tunnel ng minahan.
Pinuna pa ng mambabatas na karamihan sa mga minero ay hindi regular employees at wa-lang benepisyo sa kabila ng delikadong trabaho.
Nanawagan din si Fortun na agad na amyendahan ang National Building Code para tiyakin ang katatagan ng mga gusali sa lindol.
Pinatutukoy rin niya agad sa mga awtoridad ang mga lugar na nasa ilalim ng bagong tuklas na fault line at ipagbawal na ang pagtatayo ng mga imprastruktura at kabahayan. CONDE BATAC
Comments are closed.