MAKATI CITY – AABOT sa 2,000 traffic personnel ang itatalaga ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pangunahing sementeryo sa Metro Manila bilang bahagi ng paghahanda ng MMDA sa kanilang pwersa ngayong darating na Undas sa Nobyembre 1 at 2 ng taong kasalukuyan.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, katuwang ng MMDA Task Force Special Operations at Metro Parkway Clearing Group ang Inter-Agency Council for Traffic (IACT) sa pagsasagawa ng clearing operation sa mga pangunahing sementeryo sa Kalakhang Maynila.
Nauna rito ay idineklara ni MMDA Chairman Danilo Lim sa mga traffic personnel ang “No Dayoff, No Absent Policy” mula sa Oktubre 27 hanggang Nobyembre 3.
Suspendido rin ang number coding sa Nobyembre 1 at 2 para bigyang-daan ang mga magtutungo sa mga sementeryo upang dalawin ang kanilang mga mahal sa buhay.
Magpapatupad din ng traffic rerouting sa mga lugar na apektado ng Undas.
Tulad ng Manila North sa Maynila, Manila South sa Makati City, Loyola Memorial Park sa Marikina City, Bagbag Public Cemetery sa Quezon City at Manila Memorial Park sa Parañaque City.
Samantala, ayon kay IACT Chairman Tim Orbos, katuwang sila ng MMDA para linisin ang mga kalye na malapit sa sementeryo at mahigpit ang kampanya nila kontra traffic obstruction. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.