DAHIL sa magdamag na pag-ulan kamakalawa ay nagka-delay-delay at nagkaroon ng aberya ang ginanap na MMFF Parade of Stars 2018. Ito ay ayon na rin mismo sa mga netizen at sa Twitter posts.
Ang dapat sanang 1pm na simula ng parade ay past 3pm na nagsimula. Ayon kasi sa tweet ni Anne Curtiz na bida sa Aurora ay past three na ng hapon ay hindi pa sila nakaaalis sa assembly area sa Sucat, Parañaque na siyang host city ng parade ngayong taon.
“#SHOOKT hindi lang BARKONG AURORA ang lumubog… PATI FLOAT!!! ‘Di pa kami nakaaalis!” ang tweet ni Anne.
May nag-post din na 7 out of 8 floats ang na-stuck sa putik kaya na-delay ang pag-andar ng parade.
“As the rain poured on the day of Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars, seven out of eight floats get stuck in the mud causing delay to the event. Fantastica, the first in the sequence of floats, was the only one to proceed with the parade so far,” tweet ng isang netizen,.
Sa report naman ni MJ Marfori ng TV 5 sa Twitter kung saan ay makikitang nabalahaw ang float ng OTLUM sa putik.
“Maliban sa Fantastica lahat ng float ng MMFF entries, na-stranded. Direk Paul Soriano at Joel Lamangan, naghihimutok na. Mga stars, stranded sa kanilang mga coaster,” tweet ni MJ
Tweet pa uli ni MJ, “Earlier, Direk Paul Soriano and Joel Lamangan frustrated that the floats were put in the mud instead of concrete. The stars are stuck in their coaster.”
Pero kahit na umuulan ay dinagsa pa rin ng mga tao ang kalsada na daraanan ng Parade of Stars para makita ang kani-kanilang paboritong artista.
Tulad taon-taon ay pabonggahan ng kanilang mga float ang walong entries movies sa MMFF 2018 at may kanya-kanya konsepto at disenyo.
Ang float ng Jak Em Poy nina Coco Martin, Vic Sotto at Maine Mendoza ay robotic-inspired.
Ang Mary, Marry Me naman ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga at Sam Milby ay inayos na parang may kasalang magaganap. Pero ‘di ito makaligtas sa isang mapamintas na netizen na sinabi na parang may karo raw ng patay.
Ang One Great Love naman nina Kim Chiu, Dennis Trillo at JC de Vera ay nagmistulang yate ang kanilang float katulad din ng Aurora ni Anne Curtiz. Ang pagkakaiba lang ay luma ang yate ng Aurora na ang dating ay matagal na itong lumubog sa ilalim ng dagat.
Ang entry movie naman nina Jericho Rosales at Jessy Mendiola na The Girl in the Orange Dress ay parang fairy tale ang hitsura na may karwahe pa.
Super laki raw ang float ng Fantastica na entry movie nina Vice Ganda, Richard Gutierrez at Dingdong Dantes na gumamit pa ng 10 wheeler truck. Mala-peryahan ang hitsura ng float.
Lumang bahay naman ang naging disenyo ng float ng horror film na OTLUM nina Ricci Rivero at Jerome Ponce.
Sa Gabi ng Parangal ng MMFF sa Disyembre 27, malalaman kung anong float ang mananalo na magkakamit ng P200,000.00
Ang naganap na aberya sa Parade of Stars ng MMFF 2018 ay dalawa lang ang ipinahihiwatig. Tatabo sa takilya ang walong entries o pito lang ang tatabo o isa lang ang kikita and the rest ay bagsak na sa takilya.
CRISTINE REYES BINAWI ANG SALITANG ‘DI NA MAGPAPA-SEXY
TILA kinain ni Cristine Reyes ang binitawang salita noon na hindi na siya magpapa-seksi nang husto dahil may anak na nga siya.
Pero heto at muling pinatakam ni Cristine ang mga netizen sa sunod-sunod na posting niya ng mga nakatatakam na sexy photo.
“Eyes can`t shine unless there`s something burning bright behind,” caption ni Cristine sa black and white photo na kanyang ipinost.
Masisilayan nga sa kanyang Instagram ang mga daring photo. Ang isa ay may strap sa kabilang side ng kanyang katawan na halos lumitaw na ang pisngi ng kanyang pagka-babae.
May kuha rin siyang naka-sideview sa isang larawan na lantad ang bahaging gilid ng kanyang dibdib at kita ang kanyang hita at pigi dahil sa pagkakahapit ng suot na damit.
Ang huling larawan ay kita na ang kanyang puwet dahil sa mataas na cut ng kanyang underwear sa likod. Mas nakakabighani ang kagandahan at kaseksihan ngayon ni Cristine dahil sa kanyang toned body.
Iniisip tuloy ng kanyang mga tagahanga na kaya muling inilantad ni Cristine ang kaseksihan ay dahil sa hiwalayan nila ng kanyang husband na si Ali Khatibi at matinding paghahangad na makabalik sa pagiging sexy image.
Ang tanong ay ganoon pa rin kaya kainit ang paghahangad sa kagandahan ni Cristine matapos na mag-asawa at magkaanak?
JERICHO ROSALES MAS GUSTONG KUMITA ANG PELIKULA KAYSA MANALO NG AWARD
NAGING praktikal lang si Jericho Rasales para sabihin mas gusto at matutuwa siya na makitang kumikita sa takilya ang kanilang entry movie ni Jessy Mendiola sa MMFF 2018 kaysa humakot ng awards.
Noon pa kasi nangarap si Jericho na makagawa ng pelikula na isang blockbuster sa takilya. Kaya dalangin niya na sana raw maging hit sa takilya ang movie nila ni Jessy.
Ang importante raw kasi sa isang artista ay kumita ang pelikulang kaniyang ginawa at bonus na lang daw kapag nagkamit ka pa ng awards.
Well, masasagot ang tanong ni Jericho oras na magsimula nang ilabas sa mga sinehan ang kanilang entry movie ni Jessy sa MMFF 2018.
Comments are closed.