MODULAR TESTING LAB PARA SA COVID-19

VMMC

BINUKSAN ang COVID-19 modular testing laboratory sa loob ng Vete­rans Memorial Medical Center compound sa Quezon City.

Target ng nilikhang modular lab na gawa sa container van na mabawasan ang backlog sa bilang ng COVID-19 testing.

Dumaan sa training at proficiency exams ang mga health worker ng VMMC na gagamit nito na siyang haharap at susuri sa frontliners, se­nior citizens at maging sa mga residente ng Quezon City.

“Malaking gamit po ito kasi additional 300-400. Alam po natin na nagkakaroon na tayo ng expanded testing. Malaking makikinabang po rito ay mga seniors, uniformed soldiers, at mga taga-Quezon City,” ayon kay COVID-19 Task Force Chief Implementer Carlito Galvez Jr. hinggil sa modular testing lab.

Aabot sa 300 Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) tests ang maaaring gawin dito sa loob ng isang araw, at kayang maglabas ng resulta sa loob ng isa hanggang tatlong araw.

Ito ang maituturing na gold standard pagdating sa pagsusuri kung may COVID-19 ang isang pasyente. VERLIN RUIZ

Comments are closed.