BULACAN – BITBIT na ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ng Barangay Intelligence Network (BIN) ang number 1 most wanted sa bayan ng Plaridel.
Sa report na tinanggap ni Provincial Officer P/Maj. Rito Sibuala, kinilala ang nadakip na si Avhel Dela Cruz, 26-anyos, ng Cabiawan St., Brgy. Banga 2nd, Plaridel.
Sinabi nina P/Capt. Alvin Caballes, at P/Ems, Reginaldo Nicolas, kasalukuyang nasa loob ng isang grocery store ang suspek na si Dela Cruz nang arestuhin.
Ayon kay P/Master Sgt. Jayson Dela Cruz, dala ng CIDG ang tatlong warrant of arrest para sa dalawang kaso na robbery at carnapping laban kay Dela Cruz.
Nahulihan din siya ng isang cal. 38 revolver na walang kaukulang dokumento.
Ganap na alas-3:15 nang maaresto si Dela Cruz sa Brgy. Sta. Cruz, Guiguinto, Bulacan.
Nabatid na tatlo silang sisilbihan ng warrant of arrest subalit siya na lamang ang natitirang buhay. THONY ARCENAL
Comments are closed.