LAGUNA – ARESTADO sa pinagsanib na kagawad ng Infanta at Sta. Cruz-PNP ang 34-anyos na lalaki na napabilang sa most wanted person (Rank Number 1 Municipal Level) makaraan ang mahigit isang taon nitong pagtatago sa batas sa Brgy. Common, Infanta, Quezon, kamakalawa ng umaga.
Ayon sa ulat ni PLt. Col. Armie Agbuya, hepe ng pulisya, kay Laguna-PNP Provincial Director PCol. Eleazar Matta, nakilala ang naarestong suspek na si Jaeckel Canlas, alyas Jake Canlas, binata, residente ng nasabing lugar.
Alas-11:45 ng umaga nang magkasa ng operation Manhunt Charlie sa lugar si Agbuya, Infanta Chief of Police PMaj. Dandy Aguilar at kanilang mga tauhan kaugnay ng Oplan SACLEO ng kinasasangkutang kaso ng suspek na Qualified Trafficking In Person under RA 9208 as Amended by RA 10364.
Sa pamamagitan ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon.Virgilio B. Gesmundo, Presiding Judge of RTC, Family Court, Branch 8, Calamba City, mapalad na naaresto ng mga ito ang suspek sa kanyang pinagtataguan kung saan walang inilaang kaukulang piyansa ang hukuman para sa pansamantala nitong paglaya. DICK GARAY
Comments are closed.