HINDI papayagan ang mga motorcycle taxi na bumiyahe sa mga lansangan sa Metro Manila sa isang buwang quarantine period bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na maiwasang maikalat pa ang coronavirus disease 2019.
Ito ay makaraang ianunsiyo ng Department of Transportation kahapon sa press conference ang suspensiyon ng pilot implementation ng motorcycle taxis tulad ng Angkas, JoyRide at Move It, simula ngayong araw, Marso 15.
Gayundin ay hindi papayagan ang ride-hailing services na tumanggap ng multiple bookings para sa isang biyahe sa buong panahon ng community quarantine.
Hatinggabi kanina nang simulan nang ipatupad ang Metro Manila quarantine.
Comments are closed.