MPBL: BASILAN, SAN JUAN SA GAME 1

Mpbl Basilan

TAGUM CITY – Siniguro ni Jay Collado na matatakasan ng third-ranked Basilan-Jumbo Plastic ang top seed Davao Occidental-Cocolife at sinelyuhan ang 74-72 panalo upang kunin ang Game 1 ng 2020 Chooks-to-Go MPBL Lakan South Finals noong Martes ng gabi sa Davao Sports and Tourism Complex dito.

Tangan ng Basilan ang one-point lead, 73-72, ang Steel at Tigers ay may limang minuto para makapagpahinga dahil sa hindi gumaganang orasan, may 15.2 segundo ang nalalabi.

Tinangka ni Billy Ray Robles na bawiin ang kalamangan sa pamamagitan ng blow-by, subalit napigilan siya ni Collado.

Na-split ni Allyn Bulanadi ang kanyang charities na nagbigay sa Davao Occidental ng huling tira.

Nagkaroon ng pagkakataon si Kenneth Mocon na itabla ang laro subalit nagmintis ang kanyang tira kasabay ng pagtunog ng buzzer.

“That’s how the division finals will be. Toe-to-toe, breaks of the game, talagang kailangan lang composed kasi yun yung magde-decide e,” wika ni  Basilan head coach Jerson Cabiltes.

Pinangunahan ni Bulanadi ang atake ng Basilan na may 15 points, 9  rebounds, 5 steals, at 3 blocks.

Nagbuhos si Jhaps Bautista ng  12 points, kabilang ang dalawang triples, habang nagbigay si Bobby Balucanag ng lakas mula sa bench, sa pagkamada ng 12 points sa 5-of-6 clip.

Tumapos si Gabo na may 2 points at nagbigay ng 12 assists para sa Steel.

Nanguna naman si Robles para sa Davao Occidental na may 15 points, 10 rebounds, at 5 assists.

Sisikapin ng Basilan na tapusin ang serye sa kanilang home floor sa Miyerkoles.

Samantala, tinambakan ng defending champion San Juan-Go for Gold ang third seed Makati-Super Crunch, 76-60, upang makauna sa North Division Finals noong Lunes ng gabi sa Filoil Flying V Centre.

Iskor:

San Juan-Go for Gold (76) – Clarito 19, Ayonayon 13, Wilson 11, Estrella 9, Wamar 8, Tajonera 6, Pelayo 5, Reyes 4, Gabawan 2, Isit 0, Victoria 0.

Makati-Super Crunch (60) – Ablaza 11, Sedurifa 10, Lingganay 10, Torralba 7, Apinan 7, Villanueva 6, Morales 3, Atkins 2, Baloria 2, Manlangit 2, Asoro 0, Cayanan 0, Importante 0, Cruz 0.

QS: 24-11, 38-35, 56-51, 76-60.

Basilan-Jumbo Plastic (74) – Bulanadi 15, Bautista 12, Balucanag 12, Collado 9, Dumapig 7, Dagangon 6, Bringas 4, Palencia 4, Gabo 2, Daa 2, Manalang 1.

Davao-Occidental Cocolife (72) – Robles 15, Gaco 12, Yee 12, Custodio 7, Forrester 6, Calo 5, Mocon 5, Terso 4, Saldua 3, Balagtas 2, Albo 1, Ludovice 0.

QS: 16-16, 36-36, 56-56, 74-72

Comments are closed.