SA pagbabalik ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) season ay ganap na itong isang professional league.
Sa pangunguna ng Chooks to Go Pilipinas, na pinamumunuan ni Ronald Mascarinas, tinuldukan ng MPBL ang tatlong taong pagiging semi-professional league at nakiisa sa Games and Amusements Board (GAB) para mapabilang sa mga professional basketball league sa bansa.
“Turning professional, we want to extend our friendship and corporation in running the league. GAB will be here to help you for the safety and health protocol,” pahayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.
“As sign of respect and cooperation, we will give it the league for the decision for the two players and 12 others not to allow to play. We have pending letter to MPBL regarding these players and if ever naisyuhan na namin ng license, we withdraw it. We believe in self-regulation, so it’s up to the MPBL,” sabi ng dating Palawan governor at congressman.
“Salamat sa pamunuan ng Chooks at naging reality ito, matagal na namin itong hinihintay and now we can move on. Pagtulungan na lang natin ito,” aniya.
Hindi binanggit ni Mitra ang pangalan ng naturang mga player, ngunit ang mga ito ay kabilang sa mga nasangkot sa game-fixing sa VisMin Cup – kauna-unahang pro league sa South.
Pormal na ipinagkaloob ng GAB ang professional license sa MPBL, na pinangunahan ni Commissioner Kenneth Duremdes, sa pamamagitan nina Mitra at GAB Commissioner Ed Trinidad.
“Nagpapasalamat po kami sa Chooks, kay Senator Manny Pacquiao at sa GAB sa pagkakaisa at pagtutulungan para sa ikatatagumpay ng liga,” pahayag ng dating one-time PBA MVP.
Dalawang season na nabimbin ang MPBL dahil sa COVID-19 pandemic kung kaya umaasa si Duremdes na magiging ganap itong tagumpay.
“We’re protected now. Maliit lang ang mundo ng basketball kaya kung may naging isyu ka, mananagot ka, hindi mo ito malulusutan. We promised to GAB to preserve the integrity and the highest form on competition,” sambit ni Duremdez.
Sa bagong papel ng Chooks sa MPBL – bilang basketball operation – higit na lumawak ang impluwensiya ng Chooks to Go Pilipinas sa local basketball mula sa grassroots, regional at national level. Itinataguyod din ng Chooks ang National Basketball League, Women’s NBL, Chooks 3×3, at Vismin Cup. EDWIN ROLLON