MRT-3 BALIK BIYAHE NA

MRT-3-7

BALIK na ang operasyon ng MRT-3 ngayong araw matapos ang 3-day break para sa maintenance at repair works, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ang unang biyahe ay nakatakda sa alas-4:37 ng umaga mula  North Avenue station, na susundan ng 5:17 a.m. trip mula Taft Avenue station.

“The trains can hold 30 percent passenger capacity which equals to 124 passengers per car or 372 passengers per train set,” dagdag pa ng DOTr.

Saklaw ng rehabilitasyon ang pagpapalit ng rail turnouts sa Taft Avenue station, kung saan target ng MRT-3 na mapabilis ang regular travelling speed ng mga tren mula 50kph sa 60kph sa Disyembre.

Comments are closed.