SISIMULAN na sa third quar ter ng 2021 ang rehabilitasyon ng Metro Rail Transit Line 3 o MRT 3, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Sa pahayag ni DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan, ang rehabilitasyon ay pangangasiwaan ng Sumitomo-MHI-TESP.
Kabilang sa mga isasailalim sa rehabilitasyon ang 72 Light Rail Vehicles o LRVs, mainline tracks, power and overhead catenary systems, signaling system, communications at CCTV systems, escalators at elevators.
Ayon kay Batan, taong 2016 pa nang simulan ng administrasyong Duterte ang pagpaplano kung paano maibabalik sa ayos ang operasyon ng mga major rail line sa bansa.
Aniya, target tapusin ang nasabing proyekto sa loob ng 43 buwan subalit dapat matapos sa unang 26 buwan ang rehabilitasyon ng MRT 3.
Kaugnay nito ay nanawagan si Batan sa mga mananakay na maging mahinahon at habaan ang pasensya habang nagpapatuloy ang MRT 3 rehab project. DWIZ 882