MRT-3 TIGIL-OPS NG 3 ARAW

MRT-3-6

SUSPENDIDO ang operasyon ng Metrorail Transit Line 3 (MRT-3) mula Sabado, ika-31 ng Oktubre, hanggang sa Lunes, ika-2 ng Nobyembre.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang temporary shutdown ay ipatutupad upang bigyang-daan ang gagawing bushing replacement sa depot at turnout activity sa Taft Avenue station ng Sumitomo-MHI-TESP,

Sinabi ng ahensiya na bahagi ng bushing replacement ng 34.5-kilovolt alternating current switch gear ang pagkukumpuni sa  bus tie na naghahatid ng power supply mula sa Meralco power sources sa Balintawak at Diliman sa depot.

“Ang mga aktibidad na ito ay bahagi ng massive rehabilitation and maintenance na isinasagawa sa buong linya ng MRT-3 ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries mula sa bansang Hapon,” dagdag pa ng DOTr.

Comments are closed.