NAKATAKDANG lagdaan ng Filipinas at Japan ang isang loan agreement para sa rehabilitasyon ng Metro Rail Transit Line-3 (MRT-3) bago matapos ang buwan.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), magbibigay-daan ito sa pagpasok ng isang Japanese maintenance provider na mangangasiwa sa maintenance at rehabilitation ng railway system.
Ang Japan International Cooperation Agency (JICA) ay nag-alok na magpautang ng 38 billion yen o P18 billion para sa MRT rehabilitation.
“Before the end of October, a loan agreement will be signed by the Philippines and Japan for the complete rehabilitation of MRT-3. Once the loan agreement is signed, the Japanese maintenance provider will take over but this will not be immediately as it will undergo a transition period,” wika ni DOTr communications director Goddes Hope Libiran.
Nauna nang sinabi ng ahensiya na napipisil nitong maging maintenance provider para sa MRT ang Japanese company Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries Ltd.
Noong Agosto ay inaprubahan ng Investment Coordination Committee-Cabinet Committee ng National Economic and Development Authority Board ang P22.061-billion MRT maintenance project.
Target ng rehabilitation na maparami ang tumatakbong train sets sa 18 mula sa 15 kada oras, mapataas ang maximum speed sa 60 kilometers per hour at mabawasan ang headway sa 200 seconds.
Ang DOTr, sa pamamagitan ng Philippine National Railways, ay nagsasagawa rin ng testing runs ng 48 trains na binili sa Chinese firm CCRC Dalian upang malaman kung ligtas ang mga ito na gamitin ng publiko. PNA
Comments are closed.