MULING nanawagan ang Pinagkaisang Samahan Ng Mga Tsuper At Operator Nationwide (PISTON) kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpasa ng Executive Order na magsususpinde sa umiiral na excise tax sa petrolyo.
Ayon sa PISTON, ito’y upang maibsan ang dinaranas ng mga tsuper ng public utility vehicles (PUVs) matapos ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Hirit ng grupo sa Pangulo, baka puwedeng gumawa ng Executive Order sa nalalabing isang buwan nito sa puwesto.
Sa datos ng Department of Energy ( DOE), ngayong taon, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas na ng P17.80, diesel ng P30.30 at kerosene ng P23.90. DWIZ 882